56: The Awaited Talk

1.3K 76 23
                                    

Nakailang simsim ako ng wine habang nakaupo sa tabi ng malaking bintana sa loob ng kwarto. Tinatanaw ko ang mga naggaggandahang imaheng nabubuo sa mga ulap. Hindi ako makatulog since we got here, and I felt like I needed a wine to help me with that. Nilingon ko sandali si Himig na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kamang ipinadala ko rito. I requested another bed just for him. Siguro ay mahigit isang oras na siyang nagpapaahinga.

Muli akong sumimsim sa alak. Patuloy pa ring tinitingnan ang natutulog na si Himig. Mayamaya pa ay natuwa sa naalala. Kung gaano na siya katagal na natutulog ay ganoon na rin sila katagal na magkabati ni Vane. Yes, they are friends again. Well kung tutuusin ay hindi naman nasira ang kanilang pagkakaibigan. Medyo nalayo lang ang loob ng isa't isa at ngayon ay ayos na ulit.

 

I cannot wait to tell this news to Rich.

Nilaklak ko na lang ang natitirang wine sa baso saka nagtungo sa kama. Inihagis ang sarili sa doon at nakangiting pumikit. My heart is so happy right now. Sandali pa akong nagpagulong-gulong sa kama bago hinayaang hilahin ako ng antok.

~

Nagising ako sa sunod-sunod na pag-alog sa akin ni Himig. May hawak siyang sandok sa kaliwa niyang kamay habang sa kanan naman ay isang tasa ng kape base sa aroma noon na kaniya pang ipinakita sa akin ang pagsimsim. He's only wearing a red apron on his upper body, and I admit he's really hot. Mga ganitong eksena ang gugustuhin mong paulit-ulit na gumising sa'yo.

"The food is ready. Alas diyes na ng gabi. Masyado kang nag-enjoy sa pagtulog mo." He said.

Awtomatikong napalingon ako sa may bintana at tama nga siya. Gabi na at ang kaninang araw ay napalitan na ng magandang buwan. Sandali akong sumubsob muna sa unan bago muling tiningnan ang hindi pa rin umaalis sa harapan kong si Himig.

"Please huwag kang ganiyan, Himig." I said out of anxiousness. Napasabunot pa sandali sa buhok ko. "Kakapag-ayos lang ninyo ni Vane, e. Huwag naman sanang mas lumala ang tensyon sa pagitan ninyo ni Rich. Don't make me a sinner. Huwag mo akong gisingin na ganiyan ang hitsura mo. I might start having the idea of cheating with you."

Sandali siyang napatingin sa kaniyang hitsura. I'm pretty sure na naintindihan niya ang ibig kong sabihin sa pagpapantasya ko sa katawan niya.

"It's weird to fantasize that thing when we are now best friends."

"Hindi pa ako sanay na best friends tayo kaya huwag mo akong biglain, alipin! Punyeta napakagagwapo ninyong lahat. Walang tulak-kabigin."

Umiling siya nang marahan. Sumimsim muli sa kaniyang kape saka nilayasan na ako. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Hindi naman agad ako dumiresto sa hapag kainan bagkus ay lumiko patungo sa cr. Sandaling nagmumog at mabilis na bumalik para tuluyan nang maupo sa hapag kainan. Nakakagutom kasi ang amoy.

"I've prepared three kinds of soup, pork and chicken adobo and spicy seafood. Do you want coffee or tea?" He said na naupo na rin sa katapat na bahagi kung saan ako nakaupo. This time ay nakasuot na siya ng T-shirt. "Wine?"

"Water is enough."

Tumango siya saka mabilis na nagsalin ng tubig sa baso. Mayamaya pa ay nag-umpisa nanag kumain at hindi man lang ako hinintay. Mukhang sanay na sanay na siya at pinangatawanan na talaga ang pagiging matalik naming magkaibigan.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHМесто, где живут истории. Откройте их для себя