19: The Intellectual Tensions

920 71 8
                                    

Ang tensyon sa pagitan ng tatlo ay nakatulong upang manahimik ang mundo ko. Nang dahil wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita dahil sa presensya ng isa't isa ay nagkaroon ako ng oras ng katahimikan. Gayunpaman ay hindi manahimik ang mga tanong sa isip ko. Parami nang parami ang mga iyon at palakas nang palakas.

Sinong twins ang sinasabi ni Asrael? Is there a possibility that Rebal's body isn't just missing? That he is still alive?

Nakailang ulit na ako ng pagbuntong-hininga at pag-iling nang marahan. Kung ano-ano na lang ang mga pumapasok sa isip ko. Ipinukol ko na lang ang atensyon ko sa pagsulyap sa tatlo. They are all gorgeous. Walang tulak kabigin sa kanilang tatlo. Lahat sila ay napakaattractive at iba't iba ang ibinibigay na charm. Just like what I have said, my servant is gorgeously fierce. Rich is gorgeously beautiful, and Vane is gorgeously masculine. Walang tapon. I wonder who are those women that broke their friendship. Or much better, who's the same woman?

"Vane, hindi ka pa nagpapakilala nang maayos sa akin." Mayamaya ay basag ko sa katahimikan habang kalmadong inililipad kami ng barko sa himpapawid. Kung saan kami dadalhin nito ay hindi ko rin alam. Basta ang mahalaga, my eyes are full just by watching these faces. Hindi na ako lugi sa paglalakbay na ito. "My servant was a businessman. Ikaw ba?"

"A diver." Prente niyang sambit. Kahit papaano ay nabawasan ang pagkayukot ng mukha. "A professional diver, actually. I travel just to dive the most beautiful oceans and seas."

"Hmm talaga? That means you already have been to a lot of places." 

"Yes. And by the way, mayaman ako. I am a businessman's son-"

"Mayaman ang Papa mo at hindi ikaw." Agad na putol ni Himig na hindi man lang nag-alinlangan. "Hindi sa'yo ang perang ginagastos mo. To sum it up, ikaw ang pinakamahirap dito."

Napatss si Vane. Hindi na lang pinansin si Himig.

"I'm only twenty-five." 

Napapatango na lang ako habang nagsasalita siya at mas nadadagdagan ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Ewan ko ba ngunit may nagsasabi sa aking magkakampi si Vane at Himig sa galit nila kay Rich. Mahahalata iyon sa kani-kanilang mga mukha.

 

"Kung aalis ka at makikipagkita rin lamang pala sa lalaking iyon, it should be better that you get my permission first."

Naalala ko ang sinabi ni Himig sa akin at ang unang beses na medyo galit ang kaniyang tono. That was after I woke up and the night earlier was when I met Rich under the glass roof.

"Tangina sinong maiingit sa pagkakaroroon ng kaibigang kagaya mo?"

Maging si Vane yata ay matindi rin ang galit. I managed to squeeze a little bit of information about this tension, and I think that is already enough to understand the situation.

 

"Ayaw kong may masira na namang isang relasyon nang dahil sa isang babae."

And to sum it up, this man-to-man problem only falls down in one reason. A woman. Muli tuloy akong napailing. Hindi ko alam kung matatawa ako ba ako o hindi.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now