04: The Obvious Answers

2K 101 1
                                    

I felt a stinging on my feet as we run away from the chaos at our house. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ng lalaki kanina na humarang sa harapan ko while trying to get away from that man who killed Rebal. Hanggang ngayon ay misteryo at palaisipan pa rin sa akin kung ano ang nangyayari at kung sino siya. Kung sino sila. Their names were mentioned earlier but I failed to remember it. Naguguluhan ako.

Sa tantiya ko ay sampung minuto na kaming tumatakbo. Ramdam ko na ang pagod pati na rin ang ilang pagpitig ng aking binti. Masyado kasi siyang malaking humakbang at kung hindi ako makikisabay ay baka madapa ako. Hindi ko rin alam kung bakit kami tumatakbo at kung sino-sino ang mga nasa bahay. My whole mind and body is confused yet I didn't even bother doubting holding this man's hand.

Who is he anyway?

Tumigil siya sa pagtakbo nang makarating kami sa medyo mataong lugar. Malapit lamang iyon sa isang maliit na restaurant. Sabay kaming humihingal at nagkakatinginan habang magkaiba ang tanong sa mga isip. Ako ay tinatanong ang lahat ng nangyayari at siya malamang ay tinatanong kung nasaan na ang lalaki kanina. Panay din kasi ang paglinga-linga niya na malamang ay tinitingnan kung may nakasunod ba sa amin.

"We're safe for now. They won't be here lalo na at maraming tao at napakaliwanag." Siya na sa wakas ay nagsalita na. "We need to keep going."

His voice seems familiar. Parang narinig ko na dati pa.

"Klara, are you okay? May masakit ba sa iyo? Nasaktan ka ba nila? Tell me."

Paulit-ulit niya akong tinanong habang nag-aalalang nakatingin sa akin. He even checked my feet knowing that man earlier made me fall on the ground. Sa pagkakataong ito ay para bang nanumbalik na ako sa katinuan ko. Para bang gumana na bigla-bigla ang isip ko.

"Who are they?"

"That man is one of the six wanted demi beasts. Anak siya ng isang aswang kay Lakambakod. Siya si Asrael Wang. They are all hunting everybody lalong-lalo na iyong mga nandirito pa sa Kalupaan at hindi pa nakakarating sa tatlong kaharian. They are already making their moves on killing all of us lalong-lalo na at malapit nang sumikat ang pitong ginintuang buwan."

Sa dami niyang sinabi ay tanging pagkunot lamang ng noo ko ang naging sagot ko sa kaniya kasabay ang mahinang pag-iling. I must be dreaming. Wala ito sa mga pangitain ko. This man and those people.

"Klara!" He said. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat para matawag niya ang pansin ko dahil mukhang lumilipad na naman ang utak ko. "We need to get out of here. May alam akong short cut papunta sa ating sakayan."

"Rebal." I said. "Naiwan ko sina Rebal doon!"

"At wala tayong magagawa roon. They are dead. They are gone but you must save yourself. Hindi ka na puwedeng bumalik doon. They are out hunting us. We are neither the predators nor the preys in this game. We need to kill to survive and the same goes to them. Sa ngayon, dapat na tayong tumakbong muli. Malapit na sila. Kapag alam kong safe na ulit tayo, doon kita papaliwanagan para hindi ka maguluhan."

Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa aking balikat. Tiningnan siya sa kaniyang ginintuang mata at sandaling napangiti.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now