35: The Desert Place

861 60 1
                                    

Sikat na sikat na ang araw nang mamalayan naming mabilis na lumilipas ang oras. Ang ipinagtataka lamang namin ay para bang napakatagal na naming nakalutang lamang sa himpapawid. Wala yatang balak na tumigil ang Salimbal. Nagugutom na rin ako. Ilang oras na ang nakalilipas nang matapos ang huli naming pagkain at hindi na iyon nasundan pa. And that was also the last time na nagparamdam si Zeus sa akin gamit ang sulat sa bill ng pagkain.

"Anyone hungry?" Si Vane. Nagpapabali-baliktad siya ng higa sa isang mahabang mesa hindi kalayuan sa amin. Maya't maya rin ang pagtabon sa kaniyang mukha para hindi direktang tumama sa kaniyang mata ang sikat ng araw. "Nagugutom ako and as far as I know, alas onse na ng tanghali. More or less twelve hours na rin ang nakalilipas nang huli at unang kumain tayo."

"Exactly what I have to say."

"Uy! Kuha na natin ang isip ng isa't isa. That means we really are becoming best friends."

Hindi ko siya sinagot. Umiling na lang nang dismayado. Hinanap ng mata ko si Himig at nang makita ko siya ay agad ko siyang tinawag. Lumapit din naman agad siya sa akin at naupo sa may tabi ko. Hinihintay lang na sabihin ko ang dahilan ng pagtawag ko sa kaniya.

"Are you hungry?" I asked. "Wala tayong maluluto rito. I've already been inside this darn golden ship pero walang pagkain. Ginto nga pero papatayin naman tayo sa gutom."

"Nagugutom ako, Klara. Ikaw?"

"I am just confused, I guess. Hindi pa naman ako ganoon kagutom. Saan nga ulit natin matatagpuan ang dalawa pa ayon sa sabi ng punong babaylan?"

Sandaling napaisip si Himig. It is as if he's processing something in his mind. Hindi naman nagtagal ay sumagot din siya.

"Ang ikalawang agent mo raw ay nasa Yasamin City. Hindi ko sigurado kung tama ba ang pagkakaalam ko sa deskripsyon ng syudad na iyon but as far as I know, it's like a temptation city. More of a city that only eyes like ours can see. Actually, ay hindi siya totoong syudad. It's like a borrowed land. Kumbaga ay nakatayo lang nang dahil sa mahika."

"Temptation city? Is that why Maria Serpentanya said she's hoeing?" 

Hindi nakapagsalita agad si Himig. He looks confused yet he managed to get over it.

"Hindi pa ako nakakarating sa syudad na iyon and probably the same goes to all of us on board-"

"I've been there multiple times." Si Vintage ang pumutol sa usapan namin ni Himig. Mabilis kaming lumingon sa kaniyang kinaroroonan only to find her playing with her hair like a creepy lunatic. "It's a city of powerful strippers. A city known for its night life. Karamihan sa mga pumupunta roon ay mga makapangyarihang kriminal, tycoons, and people that is inside our worlds. Mas marami ang mga kampon ng mga aswang na nakikipaglaro sa kanilang kapwa aswang. Don't worry, they are beautiful creatures and seducingly pleasing to the eyes. I've been there because of curiosity. I wanted to know if the strippers there are really paid killers."

"Paid killers?"

"Yes. Mga kriminal ang karamihan sa customers, right?"

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now