49: The Loving Pain

853 70 23
                                    

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Vane. He was looking at me as if I am doing something bad. As if what I am about to do would result on something not anyone would want to happen. Na alam niyang hindi niya ako kayang pigilan.

"Klara, anong ginagawa mo-"

"Get Rich. Bring him here. Now!"

Walang nagawa si Vane kung hindi ang sumunod sa akin. Makikita man ang pag-aalala ngunit nangibabaw ang responsibilidad niyang sundin ako. Sa pag-alis niya ay ramdam na ramdam ko ang epekto ng ginagawa ko sa aking sarili. My divine marking is flaming and so does my will to get Rich to come here. I need to know. I need to talk to him sincerely. He does not need to suffer again. Parehas kaming gaganti.

Dumating si Vane na buhat si Rich. Maingat na inihiga sa may harapan ko. I even saw most of the people on board following him outside. Mukhang nagising na sila sa nangyayari.

"Klara, anong ginagawa mo? Gagamutin mo na si Rich-" Si Amaya na agad naputol ang sasabihin namg takpan ni Amugay ang bibig niya.

"Is she going to acknowledge us now?" Si Vielle. "Bibigyan na ba niya tayo ng karagdagang lakas especially Valerie so that she can go and save Rich this instant?"

"No. Masyadong seryoso ang pag-aacknowledge sa atin at pagbibigay ng karagdagang lakas. Kung gagawin man niya iyon, maybe it is because a thousand of lives are in danger. Malamang ay siya mismo ang gagamot kay Rich ngayon."

"Why?" Vielle's voice is confused. "Hindi ba at okay lang sa kaniya kanina na mamatay 'yan? What happened? Trip niya lang biglang iligtas si-"

"Huwag ka na lang magtanong. Manood ka na lang."

Natapos ang usapan at natahimik ang lahat. Palakas nang palakas ang emosyon kong nagdudulot ng kung ano sa aking sistema. Gustong-gusto kong makausap kaagad si Rich sa ngayon dahil sa mga nalaman ako. I need to get to know his intentions more and clear the fact that he likes me romantically. Lumapit ako sa katawan ni Rich. Tinitigan siya at hinawakan siya sa ulo. Mainit na mainit pa rin ang kaniyang katawan.

"Breathe or I'll be the one to kill you with my own hands, Rich Primero." Sambit ko.

Sa ginagawa kong paghawak sa kaniya ay para bang hinihila ang lakas ko. Medyo masakit sa katawan at para bang nauubos ang mahika ko. To my surprise, nakita ko ang kamay ni Valerie na humawak sa dibdib ni Rich. Ginagawa niya rin ang ginagawa ko. Tinutulungan akong hanapin ang sagot sa sakit ni Rich.

"This is exciting." Si Amaya. "Can I put my hand in there, too?"

"Shut up."

Si Vane ay nanonood lamang malapit sa amin. Tensed na tensed kagaya ng nararamdaman nilang lahat habang kami ni Valerie ay napapagod. Nanatili kami sa ganoong posisyon sa loob ng mahigit dalawang minuto. Kinakabahan, napapagod, at nahihirapan para lamang magising si Rich. Mabuti na lamang at ang paghihirap namin ay hindi napunta sa wala. Umubo so Rich at kasabay noon ay ang pagtalsik ng isang pulang rosas mula sa bibig niya. The same rose that I saw from Asrael Wang's hand in the Yasamin City. Sa pagtalsik noon ay doon din nanumbalik ang katinuan ni Rich. Nang makita niya kami ay nagtataka itong napakunot ang noo.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now