14: The Emotion Of

903 57 4
                                    

Nilingon din ni Himig ang direksyong tinitingnan ko habang hindi pa rin nawawala ang pagkakunot sa kaniyang noo. He is confused ngunit ako ay natutuwa naman na medyo kinakabahan. Kung hindi ako magkakamali ay nasa bayan namin kami. Sa bayan kung saan ako lumaki sa loob ng dalawampung taon bilang si Klara Delos Sinne.

So, this is where my subconsciousness took me?

"Klara, what is it?"

Agad akong nag-umpisang maglakad patungo kung saan natatanaw namin ang white house. Iyon ang landmark dito. Isang kanto lamang ang layo ng bahay namin mula rito kaya alam na alam ko ang lugar na ito.

Why did the ship take us here? Akala ko ba ay dahil nandirito ang isa sa agents ko?

Nakalabas kami ng kakahuyan nang matiwasay. Dali-dali kong tiningnan kung tama nga ba ako ng akala at hindi naman ako nagkamali. This is the same city. Not far away from this is our house. Mabilis akong tumakbo. I did not care if I would look insane. Ang mahalaga ay makarating ako sa harap ng bahay namin as soon as possible.

Rebal, I'm coming.

Agad na bumagsak ang balikat ko nang makarating ako sa tapat ng bahay na humihingal at mapagtanto ang sitwasyon. Sarado ang bahay at sobrang tahimik. Kaagad akong pinanghinaan ng loob yet made sure no one around will be able to know who I am. Hindi ko tinanggal ang suot kong sumbrero pati na rin ang face mask at sunglass ko. Kahit na pawis na pawis ako ay tiniis ko ang init.

"Why are we here?" Si Himig. Nakapamulsa pa ito na animo ay isang turista. "Nandito ba ang isa sa agents mo?"

He looked at the house. Nangungunot ang noo. Kinabig ko naman siya papalapit sa akin at mahina siyang binulungan.

"This is our house." Panimula ko. "Hindi ko alam kung bakit dito tayo dinala ng tanginang barkong iyon but I do not think my agent is here. Ang sabi mo sa akin ay dadalhin tayo ng barko kung saan gustong pumunta ng subconsciousness ko. I am thinking of Rebal all along because Rich Primero told me his body is missing. He must be serious."

"Rebal-"

Agad ko siyang pinutol sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagkakakabig sa kaniya.

"Don't fucking say it out loud. My neighbors are looking at me."

Naintindihan niya ang ibig kong sabihin kaya marahan itong tumango. Hinawakan din ang kamay kong nakahawak sa kaniya upang tanggalin iyon.

"Relax. We need to go back to the ship. Kailangan muna nating pababain ang araw or should we say-"

"I told you, wala akong libreng oras upang aksayahin." Muli ko siyang pinutol. Sandali pang lumingon sa paligid upang siguraduhing kakaunti ang makakakita sa amin. "This is my house."

"E 'di pumasok ka. Problema ko ba iyon?"

"I will."

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now