55: The Servant's Perspective

975 68 15
                                    

Nagdiretso kami sa pulang palasyo. Ako ang nauna kasunod ang apat kong agents at dahil ang kwarto ko ang pinakadulo ay makikita ko ang isa-isa nilang pagpasok. Si Valerie ang mauuna dahil sa kaniyang kwarto ang nasa bungad.

"Klara, is it okay to you if I have sex with Rich?" Tanong ni Valerie bago ito pumasok ng pintuan. Para bang ang tinatanong nito ay kung mayroon ba akong kendi. Prenteng-prente at ni wala man lang maririnig na pagkabulol.

Narinig ko ang dismayadong pagtawa ni Vintage. Napapailing at halatang hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Hindi ka pa pala talaga nakakamove on sa alindog ni Rich, Salamangka. How cute. Kahapon ay handa kang agawin siya kahit alam mong kay Kulture pa siya. I admire your courage and audacity. Sa current girlfriend ka pa talaga ni Rich nagtanong niyan, ano?"

"Well, basically they just have the same feelings pero hindi pa sila. Wala pang seal na nangyayari sa kanilang relasyon."

"Actually, we already sealed it." Sambit ko na nakikisabay naman sa flow ng usapan na para bang hindi nabibigla sa tanong ni Valerie. "In front of everyone. In front of our reincarnated husband and wife."

"She has the point." Si Vielle. "So, what's your answer? Payag ka bang makipagsex si Valerie kay Rich kahit one-time lang?"

Natawa ako nang mapakla. Napacross arms at napailing nang marahan.

"Kung papayag siya, okay. You can have what you want from him."

"Yehey-"

"But you are going to get the consequences from me."

Sa pagputol ko sa kaniya ay kasabay ding naputol ang kaniyang kasiyahan. Nawala ang pagngiti sa labi. Agad ding napairap saka marahas na binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

"Tss. Damot."

I let out a smile. Is she normal? Normal bang magsabi sa girlfriend ng lalaking gusto mong makasex? Wow. That's new to me.

"She's crazy. Akala ko ay si Hati ang pokpok dito sa grupong ito, e. Si Salamangka pala."

"Excuse me? Are you calling me a slut after seeing me dancing with only my two piece on in front of a thousand people?" She hissed. "Slut shaming me from that mere reason is a no no. Watch your mouth, Gayuma."

"You told me you want to have sex with Rich at Yasamin City when you saw him-"

"Shut up, Gayuma!"

Mas lalo akong napangiti nang mapakla. Lumalabas na ngayon ang mga intensyon nila kay Rich. Mukhang hindi na sila nakapagtimpi. Mukhang sa Salimbal pa lamang ay malayo na ang imahinasyon ng mga ito.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Si Vielle ang sunod na nakapasok sa kwarto at kasunod ay si Vintage. Now, we're down to Vane's and my own room.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now