31: The Distorted Human

828 71 2
                                    

Paulit-ulit akong napapamura habang natutunghayan kung paano lamunin ng mga apoy ang mga gusali sa nayon. Napakaraming tanong sa isip ko tungkol sa kambal at pati na rin sa mga koneksyon nila at nalalaman nila tungkol sa akin. Gusto ko mang alamin na ang mga sagot doon agad-agad ngunit heto at mas kailangan kong tulungan ang nayon ni Damion. We cannot let it get burned down. Mayayari ako.

"Nasusunog ang solar healers at lunar healers' area." Sambit ni Himig.

"Nakikita ko nga." I said. "Come with Rich. Doon muna kayo sa isang tabi sa may punong iyon. I don't want you two on my way. Makakasagabal kayo sa amin. Dito ko kayo hahanapin kung saka-sakaling aalis tayo kaagad. Don't leave or move without my permission."

I saw how Himig frowning. Nalilito siguro siya kung concerned lamang ako sa kanila o sadyang pasmado lang ang bibig ko for telling them na makakasagabal lamang sila ngayon. Gayunpaman ay hindi na siya nagreact. Medyo nakasimangot lang siyang lumapit kay Rich na sa kabutihang palad ay ni hindi na rin nagreklamo. He must have known what I meant.

"Vintage is nowhere to be found already." Si Vane na agad na nagpunta sa harapan ko. "Baka tumakas na ang isang iyon."

"No. She will not. Mukhang kilala niya ang kambal na Yumi at Luan. Malamang din ay gumagana ang kaniyang responsibilidad bilang isang Primo ng nayong ito. Hindi niya matitiis na makitang nilalamon at unti-unting tinutupok ang nayon. Maybe she's there somewhere in the crowd."

"What should we do?"

"Tumulong ka sa pag-apula ng apoy. Hahanapin ko kung nasaan ang kambal. They only need me. As much as possible, kung magagawa natin silang paalisin sa nayon, we need to."

"They won't leave that easy. Nanghahamon sila ng away. They must know something we don't lalong-lalo na sa sinabi niyang asawa mo. She knows more."

"That is why I need to find them. Saka na tayo mag-usap kapag natapos na ito."

Tumango si Vane at saka mabilis na nawala sa aking paningin. Muli kong pinasadahan ng tingin ang nayon. Palaki na nang palaki ang mga apoy. Ang mga Primo ay halata ang pagkalito at pag-aalala sa nangyayari. Ginawa ko naman ang dapat. Agad kong hinanap kung nasaan si Damion.

It was hard to find him lalo na sa laki ng kanilang nayon. It took me almost five minutes bago siya    matagpuan. Panay lamang siya sa pagtulong sa pag-apula ng apoy. Sa loob din ng limang minutong iyon ay hindi nagpakita sa akin ang kambal.

"I told you to leave. Isama na ninyo si Primo Vintage. She's released of her responsibility from this day. Hindi na siya isa sa aking mga Primo kung hindi isa na siya sa iyong mga agents. Isa siya sa mga pinagpalang kagaya mo. It will make my image bad for making a chosen one bow to me as my inferior." That's what he has to say upon seeing me.

Hindi na ako nagtataka. Mas iniisip niya lamang ang kapakanan ng kaniyang nayon at nasasakupan.

"I will make the twins leave. Ako ang kailangan nila." Sambit ko saka niyakap siya nang walang pasabi.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now