22: The Rude Gentleman

891 61 3
                                    

Nakailang ulit muna ako sa pagpupumiglas bago tuluyang makawala sa pagkakasabit sa puno. Mabuti na nga lang ay hindi nabali ang sanga at hindi ako bumagsak nang tuluyan sa lupa. That would be painful considering the fact that the tree I am hanging is twice the size of the 400-year-old balete tree itself. Inaninaw ko na lang ang bawat sanga upang makababa ako nang matiwasay. Kung susumahin ay mukhang natagalan ako sapagkat napakataas at napakalalaki ng mga sanga ng puno. Nahirapan akong humawak dito nang hindi ako madudulas. And mind you, I feel uncomfortable touching every inch of the tree. A feeling that feels like I am invading someone's territory. Someone's private home.

"Nagsight-seeing ka pa ba sa itaas?" Napapitlag ako nang marinig ko ang malamig na boses ni Rich.

Nagtaka pa nga ako kung saan iyon nanggaling. Hindi naman nagtagal ay naaninaw ko siyang nakasandal sa punong hindi kalayuan. Nakacross arms pa nga ito at animo ay tinatamad. But what's interesting is his golden eyes. It literally glows like a fierce cat's eyes while looking at me.

"Bakit ang tagal mo? Nahirapan ka bang bumaba?"

Hindi ko siya agad na sinagot bagkus ay pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng paligid. Mukhang nasa gitna kami ng isang malawak na kagubatan at ang punong pinanggalingan ko ay ang pinakamataas na puno sa lahat. Tinatanong ko na rin kung paano kami nakapunta rito at isa lang ang pumasok na posibilidad sa isip ko. Siguro ay nang talunin ni Vane ang kinatatayuan ng babaeng may hawak sa puting aso ay iyon ang naging dahilan kung bakit pati kami ay nasamang nahila sa mundong ito.

"Nasaan ang dalawa?"

"Maybe somewhere here." Rich replied. "Magkikita-kita rin naman siguro tayo mayamaya lalo na kapag natunugan tayo ng mga Primo rito. Siguradong magkikita-kita tayo sa kanilang kulungan."

"We made it into their village. Nakita ko ang mga letrang nagsasabing tama nga ang napasukan natin."

I saw him shrugged a little despite the darkness lurking. Mayamaya pa ay lumapit sa akin na animo ay naiinis.

"You're drunk." Sambit niya. Inamoy pa nang bahagya ang may mukha ko ngunit hindi ko siya hinayaang makalapit nang sobra sa akin. "Mukhang nasobrahan ka sa pag-inom mo ng beer with that asshole-"

"Si Vane?" Agad kong putol. "Why is he an asshole?"

"You don't know him. Huwag ka sanang magkamali ng desisyon sa mga taong papagkatiwalaan mo. And just to remind you, I have warned you more than enough about him. Alam mong siya ang pinakamalakas mong agent at sa apat na agent mo, siya ang may pinakamalakas na kapangyarihan para ma-brainwash ka, Klara. No one knows for sure if he used magic just to befriend you. You are being tricked to be this comfortable with his presence."

"Why do you sound so hateful?"

"Pinapaalalahanan lang kita, Klara."

"Wala ka sa posisyon para paalalahanan ako."

"I am." He hissed. "Dahil alam kong marupok ka. Dahil alam kong mahina ang puso mo pagdating sa ganitong bagay. You might be powerful, but you are weak when it comes to romance. And no one knows for sure if you'll be able to stand in your feet again if someone breaks you again and again. And to warn you the second time, Vane is one of the possible men who can do that for you. He's way more capable of ruining you in the most unexpected way. "

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHDove le storie prendono vita. Scoprilo ora