12: The Familiar Man

1K 74 1
                                    

Napakalamig ng paligid at para bang ako ay idinuduyan. Ang sobrang katahimikan ang pumilit sa akin upang hatakin ang kumot na nasa paanan ko at ibalot iyon sa aking katawan.

"In another life, I would still be your man."

Bumalikwas ako ng bangon. I was awakened by the voice I am longing for. Kaagad na bumungad sa akin ang liwanag mula sa bukas na bintana. Sa kanang bahagi ay nakaupo si Himig at mukhang binabantayan lamang ako. Napaisip ako sandali. I can't be wrong. The last thing that I remembered was lying on the floor, hugging myself, and literally crying from the emotions of hearing the same voice.

 

Bakit nasa kama na ako?

"Sinong nagdala sa akin papunta rito?" I asked Himig na nangunot lamang ang noo nang marinig ako. "I don't remember walking myself in here. Matapos kong makausap si Rich at ang tatlong bruha ay wala na akong alam na nangyari. Who the fuck-"

"Kung aalis ka at makikipagkita rin lamang pala sa lalaking iyon, it should be better that you get my permission first. Klara, hindi mo ba alam kung sino-sino ang mga nakamasid at nakarinig ng mga pinag-usapan ninyo?" Napakunot ang noo ko nang maging ganoon ang sagot ni Himig. I was confused for a moment. "Let alone the fact that even though you are inside this palace and possessing a dangerous prowess, you are considered the enemy in here."

"At bakit naman ako ikokonsidera bilang kaaway?"

"Most of the chosen ones' job here is to balance good and you lead in balancing evil. That is enough to label you as the enemy."

Sandali akong napatigil. Tiningnan ko kung nagbibiro lamang siya o hindi dahil sa pagkakaalam ko ay hindi ganito ka-competitive magsalita dapat ang isang alipin sa kaniyang amo. He should be bowing at me and not raising his voice just to warn me. As if he is the boss in here calling me the enemy.

"I am asking you. Sino ang nagdala sa akin dito?"

"Another man."

"Sino?" Napatayo pa ako.

Kung hindi ako magkakamali, he's that man he is saying. He is who I am thinking about.

"Still as feisty as before, my wife."

"In another life, I would still be your man."

That same voice who said those words to me and mysteriously made me feel again. Hindi imposibleng siya ang nagdala sa akin dito.

"Ako." Sambit ni Himig na agad ikinataas ng kilay ko.

"Sa tingin mo ba ay nakikipagbiruan ako sa iyo, alipin?"

"You must be entitled now, aren't you?" He asked competing with my confused eye again. "Calling me your alipin is cool and all but shouldn't you be ashamed you slept on the floor letting a strange man get you and walk you-"

"So may lalaki ngang naghatid sa akin?"

"Yes."

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now