Chapter 17 - Nurse.

37.8K 1K 130
                                    

Chapter 17

Kahit anong pwesto ang gawin ko ay hindi ako makatulog dahil sa mga sinabi ni Tristan.

Nagulantang ako sa mga nangyayari.

Gusto niya daw akong maging girlfriend. Mahal niya daw ako. At liligawan niya ko.

Shet na malagket. Sinong hindi masshock dun?!

Ang buong akala ko ay tatapusin na namin ang kunwarelationship namin dahil nabbwisit na siya. Tapos ganun? Grabe!

Grabe!

 

Nakakabaliw!

Umalis siya kanina dahil maguusap pa daw sila ni Tito Gab. Ilang oras narin mula yun, tingin ko ay naginuman silang dalawa.

Ilang beses pa kong nagpaikot ikot sa kama pero wala talaga. Kasalanan to ni Tristan eh! May pa I love you pang nalalaman! Yan tuloy, di ako makatulog.

Nang marinig ko ang pintuan ng hotel na bumukas ay pinikit ko ang mata ko. Pinilit kong makatulog. Hindi ko na ata kakayanin kung magkakausap pa kami ni Tristan ulit.

Baka tuluyan na kong mabaliw.

Nagising ako ng maramdaman kong may liwanag na. Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto. Nandun si Tristan at nay hawak siyang tray.

Napaupo ako.

"Good morning." Bati niya sakin.

"Uhm, good morning." Sabi ko naman.

Lumapit siya sakin at nilapag ang tray sa harap ko. Nakita kong may pancakes dun, may mga sunog pa na konti. May sausage din, na medyo sunog din. Kape at isang long stem rose.

Napatingin ako sakanya. "Nagluto ka?" Gulat na tanong ko.

Tristan and cooking. Pag pinagsama yun ay disaster.

Kinamot niya ang batok niya at bahagyang tumango. "I know Im a bad cook, worst even. But I wanna do this for you. I wanna do these sweet nothings. So I tried to learn how to cook."

Napangiti ako. Grabe! Hindi ako makapaniwala na ipagluluto niya ko. Si Tristan na hate na hate ang pagluluto. Oh my gosh!

Umupo siya sa harap ko. "Im new to this stuffs Kathy. I've never courted anyone in my entire life, but I swear I will do the best I could." Sabi niya.

Umiling ako. "Thank you. Alam ko kung gaano ka kahirap sa pagluluto but you still tried. That's more than enough." I said truthfully.

Sobra sobra na yung effort niya.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now