Chapter 13 - Human Belt.

38.9K 1K 117
                                    

Chapter 13

 

"Nasan ka na ba girl?" Tanong ni Mich sa kabilang linya.

"Eto na nga! Kumalma ka girl!" Sabi ko ng papasok na ko sa loob ng mall.

May usapan kaming magkikita ngayon since Sabado naman.

Halos dalawang linggo narin mula nung makilala ko ang angkan ni Tristan. Simula non ay pinanindigan niya talaga ang pagiging 'boyfriend' kuno niya sakin.

Araw araw ay sabay kaming pumapasok at umuuwi. Okay naman kami sa office, madalas ay sabay kaming kumakain. Medyo ilag din kasi ang ibang kasamahan ko sa trabaho sakin dahil daw boyfriend ko ang boss nila.

Its fine with me though. Wala namang kaso sakin yun. Basta hindi nila ko tatarayan ay walang problema.

"Kanina pa kasi yang eto mo! Inaamag na ko dito girl!" Sabi niya.

"OA yung inaamag! Nasan ka ba?" Tanong ko.

"Chatime nga!" Sabi niya.

Pagdating ko doon ay parang hindi naman na siya naiinip dahil nagttwinkle na ang mata niya sa lalaking nasa kabilang table.

"Huy!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Halos tawanan ko siya dahil halatang wala siyang paki basta may boylet siyang makita.

Mich talaga!

"Tara na?" Yaya ko sakanya.

Sumilip ulit siya sa boylet at tumayo na. "Tara! Bili na muna tayo ng ticket tapos magshopping tayo then late lunch bago magsine." Sabi niya.

Yun kasi ang plano namin, manuod kami ng Tragic Theater at magshopping. Nakuha ko naman na ang kalahati ng sweldo ko kay Tristan at infairness. Halos buong buwan ko ng sweldo dati yung half month na sweldo ko ngayon.

Nauna kami sa sinehan at bumili ng ticket para mamayang 2PM. Habang nasa pila ay nagring ang phone ko. Nagulat ako ng mabasa ang pangalan ni Tristan sa screen ng phone ko.

Bakit kaya?

Sinagot ko ang tawag. At halos mapatalon ako sa tono ng boses niya. "Open the damn door Kathy!" Sabi niya.

"Hello to you too Tristan." Sabi ko. "Wala ako sa bahay! Bakit?"

Napa-tss siya. "I was knocking for like ten minutes now. Where are you?"

I shook my head. "Bakit? May kailangan ka ba? Nasa mall ako, Im with a friend." Sabi ko.

Napasigaw ako ng malayo na si Mich mula sakin. "Ongpauco! Ang bilis maglakad leche!" Sabi ko.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now