Chapter 21 - Oo.

38.1K 982 92
                                    

Chapter 21

 

Ilang minuto din akong pinatahan ni Tristan. Masaya ako na tanggap niya kung ano man ang nakaraan ko. Pero nagulat ako ng hilahin niya ako papasok ng sasakyan at agad siyang nagmaneho.

"S-Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

Saglit niya kong tinignan bago ako sagutin. "City hall. Lets get married."

Literal na nalaglag ang panga ko. "A-Ano? K-Kasal?" Utal utal kong tanong.

Nababaliw na ba siya? Anong kasal?!

"Yes." Simpleng sagot niya.

"Stop the car Tristan." Sabi ko. Hindi niya ko pinansin. "Ihinto mo o bababa ako habang umaandar ka?!" Halos pasigaw ko nang sabi.

Hindi parin nagsisink in sakin yung kasal na sinasabi niya. Gago ba to?!

Agad niyang hininto sa tabi ang sasakyan. Nasa medyo taas parin kami ng bundok kaya walang masyadong dumadaan.

Bumaba ako at naglakad pabalik balik sa tabi ng sasakyan niya. Tangina lang. Kanina ay nakita ko ang Kuya kong matagal ko nang di nakikita tapos ay inalala ko ang masakit kong past tapos ngayon ay kasal naman?!

Ano bang meron sa araw na to?!

"Kathy." Tawag niya sakin.

"Nababaliw ka na noh? Anong kasal sinasabi mo? Nababaliw ka na talaga!" Singhal ko sakanya. Kakatapos ko lang sabihin sakanya yung mga nangyari tapos aayain akong magpakasal.

Ano? Dahil naaawa siya sakin? Bllsht.

 

Hindi naman siguro dahil sa awa. Hindi naman sana dahil sa awa. Damn. Think Kathy!

"I love you. Do you love me too?" He asked me out of nowhere.

Napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya. "Do you love me too Kathy?" Inulit niya ang tanong niya.

Bahagya akong tumango. Oo, inlove na ko sakanya. Netong mga nakaraang araw na nasa Batangas ako ay eto ang gumulo sa sistema ko.

Kung tutuusin ay madali lang na umalis ng trabaho ko. Gusto kong lumayo sakanya dahil konektado siya kay Angela Kate. At ang malala pa ay gusto niya tong ampunin. I know I should distance myself from him. Pero dahil sa pesteng nararamdaman ko para sakanya ay naging mahirap ang bagay na yun.

"Then lets get married." Aniya.

Napabuntong hininga ako at umiling. Masyadong mabilis. At ayoko ng mabilisan. Dahil kung gaano kabilis dumating, baka ganon din kabilis mawala.

Natatakot ako paano kung ngayon lang yang nararamdaman niya? Halos isang buwan palang kaming magkakilala tapos kasal agad? Paano kung sooner or later, magiba ang nararamdaman niya.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon