Chapter 2 - Rapist.

54.4K 989 81
                                    

Chapter 2

 

“Eto namang babaeng to! Sabi ko hintayin mo matapos yung shift ko bago ka uminom, pero tignan mo halos hindi na mabilang tong bote sa harap mo.” Sermon ni Mich pagdating niya dito sa SL.

Kanina ay dito ako demeretso, hindi ko na nagawang umakyat para kunin ang mga gamit ko sa labas ng office ni Madam dahil baka maiyak lang ako pag nagpaalam ako sa mga officemates ko. Sa loob naman kasi ng dalawang taon kong pagttrabaho doon ay napalapit na ako sakanilang lahat.

Tinakpan ko yung tenga ko. Ang lakas ng tugtog dito sa bar na to, dito ako pumunta dahil kagabi ay dito din kami galing at eto lang naman ang alam kong bar dito sa Manila. Hindi naman kasi ako party girl, paminsan minsan lang pag nagkayayaan kaming magkakatrabaho.

“Lasing ka na uwi ka na.” Aniya.

I shook my head. “Hindi ako lasheng. Shtop it! Uminom tayo.” Sabi ko bago kumuha ng panibagong bote ng alak at nilagok ito. As I’ve said, hindi ako party girl, or a hard drinker even. Kaya naman ramdam na ramdam ko na ang pagkahilo ko dahil sa dami ng nainom ko. Halos maging tatlo na si Mich sa paningin ko.

“Grabe shi Madam. Nalate lang naman ako taposh fire agad. Dalawang taon ko din pinagtiishan yung kashungitan niya noh. Tsaka ang sharap ko kaya magtimpla ng kape taposh fired agad ako. Unfair niya.” Puno nang hinanakit kong sabi. Hindi ko alam kung sino pa bang kausap ko, si Mich ba o yung bote na hawak ko.

“Pinaligpit na niya yung mga gamit mo kanina. May bago na daw siyang secretary. Nashock nga ako eh, agad agad talaga?” Sabi ni Mich at sinabayan ako sa paginom.

May tumulong luha sa mata ko pero agad ko din yun pinunasan. “Shush! Problema lang to! Wala to! Shi Kathy ata ako! Nawalan lang naman ako ng trabaho, hindi naman ako mamamatay dahil don. Kaya ko to!” Sigaw kong sabi. Wala naman atang makakarinig dahil sa lakas ng tugtog dito sa bar.

Tumayo pa ako at itinaas ang bote ng beer na hawak ko. “Nawalan lang ako ng trabaho! Pero kaya ko to!” I yelled at the top of my lungs.

Hinila ako paupo ni Mich. “Lasing ka na girl. Tara na kaya?” Bulong niya sakin.

I shook my head. Hindi ako lasing. Nahihilo lang. Tsaka tatlo lang si Mich sa paningin ko pero hindi ako lasing. “Hindi ako lasheng. Nahihilo lang. Promish!” Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko, tapos ay binaba ito at itinaas ang kanan. “Hehe, eto pala.” Sabi ko pa.

Pilit niya kong hinila palabas ng bar. “Aray aray Mish! Ang shaket ng kamay ko!” Angal ko sa paghila niya. Nakarating kami sa labas ng bar at medyo marami paring tao na papasok. Ako nga inaantok na, tapos sila papasok palang ng bar?

Mga bampira ba tong mga to? Di uso tulog?

 

I shook my head. Kakapanuod ko to ng Vampire Diaries eh, kung ano ano na iniisip ko. Sa pagkalog ng utak ko ay mas lalo akong nahilo. Napahawak ako sa ulo ko.

“Hindi pala lasing ah.” Nangiinis na sabi ni Mich.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon