Special Chapter I

49.5K 1.2K 128
                                    

Special Chapter

 

Inamoy amoy ko yung dibdib ni Tristan habang nakahiga ako sakanya. Ang bango talaga ng lalaking to. Walang kupas.

Kung pwede lang tumira sa loob ng damit niya ay gagawin ko.

Naramdaman kong hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko. "I love you, Mrs. Montefalco."

Ngumiti ako at mas siniksik ko pa yung ulo ko sa dibdib niya. "I love you too, Mr. -"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil umiyak yung anak namin. Agad akong tumayo para puntahan si baby sa crib. Binuhat ko si Baby Trisha.

Hinele ko siya ngunit ayaw parin niya tumigil sa kakaiyak.

Lumapit samin si Tristan. "Maybe my baby Angelly Katrisha misses me." Aniya at akmang kukuhanin si Trisha pero pinigilan ko siya.

"Magpahinga ka na, babe. Buong araw kang napagod sa mga meetings mo." Sabi ko sakanya.

But Tristan, being Tristan, hindi siya nagpapigil. Kinuha ni si Baby Trisha sa kamay ko at siya ang naghele. Nagulat ako na bigla biglang tumahan yung anak namin.

"Basta para sa mga baby ko at kay Mommy." Tinignan niya ko. Yung tingin na nakakalusaw. "Daddy will never get tired."

Naramdaman kong umangat lahat ng dugo ko sa mukha. But I smiled nonetheless.

My Tristan. My sweet and ever loving Tristan.

Ang swerte ko talaga sakanya. Biruin mo, ilang lalaki nalang ba ang pag iniwan mo at binalikan mo ay ikaw parin ang mahal? Si Tristan nalang ata.

Yung iba nga dyan, hindi mo pa iniiwan ay naghahanap na agad ng iba eh.

Seryosong nagpapatulog ng baby si Tristan. Ang galing na niya humawak ng baby. Noong mga unang linggo kasi ni Baby Trisha ay nahihirapan pa siya pero pinipilit talaga niyang pag-aralan.

Thats where I felt all the guilt. Hindi niya kasi naranasan humawak noon kay Angelo. Hindi niya naranasan kasi pinagkait ko sakanya.

Kaya ngayon ay sobrang hands-on siya kay Baby Trisha. Gusto niya pag nasa bahay siya ay siya ang magpapalit ng diaper, magpapaligo at magpapatulog.

"Doon nalang kaya siya sa gitna natin?" Tanong ko sakanya ng makita kong nakatulog na yung anak namin.

Tumango siya at inilagay sa may gitna ng kama si Trisha. Humiga kami sa magkabilang gilid. Tumagilid siya at nakatitig lang siya sakin.

"Best view ever." He muttered.

Marahan kong inabot yung braso niya para hampasin. "Tama na pagpapakilig mister! Quota na ko!"

Lumaki yung ngisi niya. "I love you, my wife."

"I love -"

Naputol na naman ako ng bumukas yung pinto ng kwarto namin. Nandun si Angelo na hawak hawak yung unan niya. "Mommy. Daddy. Can I sleep here po?" Tanong niya.

I nodded. "Of course big boy. Pero dito ka nalang sa side ni Mommy ha. Nandito si baby eh." Sabi ko at tinuro si Trisha sa gitna.

Big boy na ang tawag ko sakanya dahil sabi niya ay masyado na daw siyang malaki para tawaging baby boy. At may baby Trisha na daw kami.

Umusog ako ng konti at pinahiga ko sa tabi ko si Angelo. Yumakap naman agad siya sakin kaya niyakap ko din siya.

Nilingon ko si Tristan na may kunot yung noo. "Our bulilits never let you finish your I love you too."

Bumukas na naman yung pinto at nandun si Kate. "Daddy. Mommy. Can I join too?" Aniya.

Natatawa akong napatingin kay Tristan.

Umiling si Tristan tsaka tumango. "Here, baby girl." Ani Tristan at tinapik yung gilid niya. Niyakap niya si Angela at tinignan ako. "See?" Aniya nang nakasimangot

Ngumiti ako. Inabot ng isang kamay ko yung mukha niya. "I love you too, my Tristan." Sabi ko.

Kinuha niya yung kamay ko na nasa pisngi niya at hinalikan yun.

"I love you most." Aniya.

I guess this would be the happiest night of my life. Sobrang perfect ng feeling na kasama kong matulog si Tristan at ang mga anak namin.

And before I shut my eyes. I prayed. "Thank you for this, Lord God. Thank you for giving me wonderful kids. And thank you for giving me the best husband in the world."

Perfect StrangersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin