Chapter 3 - Tristan.

48.5K 888 147
                                    

Chapter 3

 

Dali dali akong tumakbo pabalik ng kwarto. Pagsarado ko ng pinto ay napasandal ako doon at napapikit, bakit ako nakabra at panty? At sino yung lalaking yun? Pamilyar siya sakin pero hindi ko matandaan.

Shet Kathy! Baka inuwi mo yan kagabi sa sobrang kalasingan niyo tapos may nangyari sainyo!

 

“Oh my godddd! Noooo!” Naiiyak kong sabi.

Teka, ang sabi niya condo niya daw to. Aba gagong yun! Maka-angkin ng condo! Alam kong condo ko to dahil alam ko ang itsura ng kitchen ko at imposibleng ganun din ang itsura ng kitchen ng condo niya.

Pagdilat ko ay nanlaki ang mata ko. Iba ang kama! Iba ang bedsheet! Iba ang ayos ng kwarto! Napatakbo ako sa damitan niya at tsaka ko nakumpirma na hindi ko nga ito condo.

Oh my fcking gosh!

 

Nasapo ko ang noo ko. Wala akong matandaan sa mga nangyari, basta ang alam ko ay kasama ko si Mich kagabi sa SL. Kung sino ang lalaki na yun at kung kaninong condo ito ay hindi ko alam.

Kahapon lang ay nawalan ako ng trabaho, ngayon naman ay nawalan ako ng dignidad dahil may nangyari samin ng stranger na yon. Great Katherine! Just great!

 

Inikot ko ang buong kwarto at halos baliktarin ko na ang mga gamit pero hindi ko parin makita ang mga damit ko. Nasan na ba yun? Sa sobrang kalasingan ko kagabi ay pati damit ko hindi ko na alam kung nasan.

Wala akong choice kung hindi magsuot ng tshirt ni Mr. Stranger. Nagmistulang dress sa laki at haba ng tshirt niya sakin. Itinali ko ang buhok ko at inayos ang mukha ko sa salamin.

Napagkamalan ko siyang magnanakaw kanina. Shame on you Kathy!

 

Yun naman pala ay ako itong nanloob sa condo niya. Pero kung may nangyari man samin, ay ewan! Sumasakit lalo ang ulo ko sa kakaisip.

Paglabas ko ng kwarto niya ay dahan dahan akong naglakad papunta sa kusina. Nakita kong nakatitig siya sa sunog na itlog at sunog na hotdog. Hindi ko mapigilang hindi matawa.

Naagaw ko naman ang atensyon niya. He raised his eyebrow. “Excuse me, miss? Did you just wear my tshirt?”

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. “T-Tama ka. Condo mo nga to. Sorry kung nasigawan kita kanina.” Sabi ko. Nagangat ako ng tingin at nakitang nakataas lang ang kilay niya sakin. Para bang kinikilatis ako.

“Bilang pagsorry ay ako na ang magluluto ng breakfast mo ngayon. Kasi...” Napatingin ako sa niluto niya. “Mukhang hindi mo naman alam paano kakainin yang mga yan.” Sabi ko sabay turo sa mga sunog na niluto niya.

“Ofcourse not!” Naiinis na sabi niya. “Masarap tong mga niluto ko. Makakaalis ka na.” Akmang kakain siya ng sunog na hotdog ay pinigilan ko siya.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now