Chapter 11 - Tristan's girlfriend.

39.8K 1K 205
                                    

Chapter 11

"Stay here, Kathy. Dont be stubborn." Aniya at tinapik ang tabi niya.

Nasa kama na siya at nagpupumilit ako na sa couch nalang ako matutulog. Like hello?! Boss kaya kita?! Tapos matutulog ako sa tabi mo!

Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gawin yun.

"Ang kulit ng lahi mo noh? Sa couch na nga lang ako. Kasya naman ako dun!" Sabi ko at pilit inaagaw ang isang unan. "Ibigay mo na kasi!"

Ang kulit! Nakikipagagawan pa ng unan.

"Ang laki rin ng kama, Kathy. We can sleep here, together." Sabi niya at naagaw niya na ng tuluyan ang unan na kinukuha ko.

He smirked. "Now sleep. Im tired, miss." Sabi niya at humiga.

I sighed before turning my feet to leave. Okay lang naman siguro kahit wala akong unan.

Pero nagulat nalang ako dahil nasa balikat na ko ni Tristan. Binuhat niya ako!

"Ayyyy! Ano baaaa! Ibaba mo kooooo!" Tili ko.

"So stubborn, Miss Aguirre." Simpleng sabi niya at binaba ako sa kama. "Now stay there, or you're fired."

Napanguso ako at humiga. "Stay nga sabi ko eh. Ang kulit ko kasi diba? Dito nga ako matutulog sa kama kasi malaki naman to. Bakit ba pinipilit ko sa couch. Leche lang." Mahabang sabi ko.

Napailing lang siya at humiga na sa tabi ko.

He closed his eyes. I tried my luck, again. "Last na? Pwede sa labas nalang ako?" Mahinang sabi ko at humarap sakanya.

He shook his head. "Goodnight, Kathy."

Napahiga ako ng deretso. "Goodnight."

Goodluck sakin! Sana makatulog ako!

 

Hindi ko kaalam kung gaano ako katagal na paiba iba ng pwesto sa kama. Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog. My god! Makatabi mo ba naman ang boss mo sa kama, ewan ko lang kung makatulog ka.

"Sleep miss." Halos mapatalon ako ng magsalita si Tristan.

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Gising pa pala to! "Di ako makatulog eh." Nahihiyang sabi ko.

Bigla niya kong hinila at pinahiga sa dibdib niya. Bali parang nakayakap ako sakanya. "Ay kaloka!" I muttered out of shock.

"Now sleep." Sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero agad akong dinalaw ng antok sa pagkakayakap niya sakin. At unti unti na kong nakatulog.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now