Chapter 7 - Eat.

38.4K 965 73
                                    

Chapter 7

"I remember you said na kakauwi mo lang galing States, does that mean na ngayon ka palang officially magsstart as President ng SM Inc?" I asked him.

Nandito kami sa loob ng office niya, iniwan kami ni Tito Gab. Binilinan niya lang kami about sa board meeting daw maya maya.

He stopped from what he's doing and looked at me. "No. I went to the States half a year ago kasi may naging problema doon."

"So matagal ka nang President? Ang bata mo pa ah. Young achiever." I said in awe at tumigil na ko sa kakalakad sa office niya para umupo sa upuan sa harap niya.

"Perks." Was the only thing he said at bumalik na siya sa pagpirma ng mga papeles. “Why are you still here anyways?” Aniya pero hindi ako tinitignan.

Ngumuso ako kahit hindi niya nakikita. “Eh wala pa naman akong gagawin. Tsaka para makita ko kung ano yang mga ginagawa mo.”

Sasagot pa sana siya nang magulat kami dahil may biglang kumatok. "Sir." Ani ng isang babae mula sa pintuan. "Uhm, mam. Pinapatawag na po kayo ni Sir Gabriel."

Tristan nodded and rose to his feet. Naglakad siya palabas ng office nang hindi man lang ako hinintay kaya sinundan ko nalang siya.

Paglabas ko ay bigla akong kinausap nung babae.

"Hi. Im Chienna. Secretary ako ni Sir Gabriel." Aniya at ngumiti.

Inilahad ko ang kamay ko. "Im Kathy." Sabi ko at ngumiti.

Maganda si Chienna. Maputi at payat. Siguro ay kasing edaran ko lang eto, o baka mas bata pa ng isang taon.

"I heard girlfriend ka daw ni Sir Tristan?" Bulong niya ng nasa elevator kami.

Tipid na ngiti lang ang binigay ko sakanya. Napatingin ako kay Tristan, mukha namang hindi niya narinig. Medyo nakakahiya na kasi na lahat ay alam na girlfriend niya ko. Paano nalang pala kung may girlfriend pala siya?

Pero sa tingin ko naman ay wala, kung maka-babe lang siya kanina ay kala mo totoong kami talaga. Kalerkey.

Pinadausdos na naman ni Tristan ang kamay niya sa bewang ko nang palabas na kami ng elevator. Hindi parin talaga ako mapakali pag ginagawa niya yon. Narinig ko pa ang impit na tili ni Chienna sa likod na para bang kinikilig.

"Uy." I tried calling his attention pero patuloy lang kami sa paglalakad. "Tristan. Pinagtitinginan tayo." Bulong ko sakanya dahil halos lahat sa floor na yun at tutok ang mata samin.

Maraming masama ang tingin, pero may mga malaki din ang ngisi.

"Dont mind them, babe." Aniya at hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko kaya mas lalo akong napalapit sakanya.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon