Chapter I - Thank you.

34K 934 73
                                    

Chapter I

Hinawakan ko ang kamay ni Tristan nang alalayan niya ako pababa ng sasakyan niya. Masayang humawak sa kabilang kamay ko si Angela Kate.

"Mommy." Tawag niya sakin bago kami tuluyang makapasok ng bahay namin. Lumuhod ako para lumebel sakanya.

"What is it, baby?" Tanong ko sakanya.

Ngumiti siya. "Excited na po ako makita si Baby Gelo." Aniya.

Napangiti ako. Kanina pa siya tanong ng tanong tungkol sa kapatid niya. Halatang excited siya. Excited narin siya makilala sila Mommy at Daddy.

Ginulo ni Tristan ang buhok ni Kate bago niya ito buhatin. "Behave with your lolo and lola ha?" Pangaral ni Tristan sakanya.

"Iha. Nandyan ka na pala." Tawag samin ni Manang Rosita. Siya yung yaya namin noon nila Kuya sa Cebu. Napatingin siya kay Tristan. "Oh iho." Bati niya kay Tristan.

Napataas ang kilay ko. "Magkakilala kayo?" Tanong ko kay Tristan.

"Ah oo. Pumunta siya noon sa Cebu para hanapin ka." Sabi ni Manang.

Napatingin ako kay Tristan. Pumunta siya ng Cebu?

Bago pa ako makapagsalita ay nakarinig na kami ng tawanan sa garden.

"Ang cute cute talaga ng pamangkin ko. Manang mana sa Tito." Rinig kong sabi ni Kuya Kian.

Pinagtrripan na naman nila ang anak ko.

"Hoy mahiya ka! Sakin mana yan noh." Rinig ko namang sabi ni Ate Kai.

Hinila ko si Tristan papunta sa garden. Nakita kong buhat buhat ni Kit si Angelo at pinipisil pisil niya yung pisngi neto.

"Sus. Sakin nagmana to. Ako kaya pinaglihian ni Kash noon." Proud na sabi niya.

Humigpit ang hawak ni Tristan sakin, kasabay ng pagtiim ng bagang niya.

Oh no. Seloso alert.

Tumikhim ako. Napatingin silang lahat at naramdaman kong napatigil sila sa ginagawa nilang pangiinis sa anak ko.

"Ma. Pa. Kuya. Ate. Kit. Si Tristan nga pala, fiance ko." Sabi ko. Kinuha ko si Angela Kate kay Tristan. "At si Angela Kate. Anak ko po."

Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Kit. Masaya namang lumapit samin sila Mommy at Daddy, kasunod nila Kuya Kian at Ate Kai.

Kinamayan ni Tristan si Daddy at nakipagbeso naman siya kay Mommy. Nagulat ako ng magfist bump sila Tristan at si Kuya.

Wow close?

Kinuha ni Ate si Angela Kate at siya naman ang pinagkaguluhan ng pamilya ko. Nakita ko ang saya sa mata nila Mommy, pero mas nakita ko yun sa mata ng anak ko.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now