Chapter L - Soon to be wife.

36.1K 955 93
                                    

Chapter L

 

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay ng mga Montefalco nang ligtas. Buong byahe ay kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

Paano kung hindi nila ako pakinggan? Paano kung itaboy na naman nila ako? Paano kung sabihin nilang layuan ko na si Tristan?

Everything was too much to bear pero pilit kong pinapasok sa isip ko na kaya ko to. This is the right thing to do. I should fight for us.

Bumaba ako ng sasakyan at umayos ng tayo.

I've decided to talk to Tita Gabby and Tito Gab, alone.

Walang idea si Tristan na pupunta ako dito ngayon. Aniya ay may meeting din daw siya with some foreign investors ngayong araw. Kagabi nga ay gusto niyang ipacancel ang meeting para daw magkasama lang kami ngayong araw.

Pero hindi ako pumayag. Ayoko nang isipin nila Tita Gabby na dahil na naman sa akin ay mawawala sa focus si Tristan.

Pagpasok ko ng bahay nila ay pinaupo muna ako ng katulong.

Halos mapatalon ako nang may tumikhim sa likod ko. Tumayo ako ng ayos at yumuko ng konti. "Tito." I muttered.

Ngumiti siya ng bahagya. "Can we talk outside?"

Tumango ako bago siya sundan palabas ng garden nila. Tahimik akong tumabi sakanya ng umupo siya sa bench nila.

Hindi ko alam kung galit din sakin si Tito Gab. But Im somehow thankful na hindi niya ako pinaalis agad. Atleast ginusto niyang kausapin muna ako.

Pero paano kung kakausapin niya lang pala ako para palayuin sa anak niya? That I cant take.

"Relax. Im not mad at you." Aniya.

Napabuntong hininga ako. "Sorry po. I know it was my fault, Tito. I left Tristan ng walang pasabi before. I-I was just" I paused. "...scared." Nabasag ang boses ko.

"You see Tito. Pinagtabuyan po ako noon ng pamilya ko at nang taong mahal ko. That scarred me for life. That morning, kahit po sobrang sakit para sakin na iwan si Tristan. I knew I have to. Kailangan ko nang protektahan yung sarili ko. Yung puso ko. P-Pero pinagsisihan ko na po na naging duwag ako. S-Sobra sobra ko pong pinagsisihan yung ginawa ko." By the time I finished talking ay panay narin ang tulo nang luha ko.

Ilang minuto din siyang tahimik.

"Tristan went here first thing in the morning para ipaliwanag kung bakit ka umalis noon. But he never mentioned about your past." Paninimula niya. Napatingin ako sakanya.

He did what?!

"I understand everything, iha. But not my wife, your Tita Gabby's more furious when she heard your reason." Ani Tito Gab.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now