Chapter 20 - The past.

35.3K 994 99
                                    

Chapter 20

 

Pagdating ko sa parking ay agad kong kinuha ang susi ng sasakyan sa bag na dala ko. Dahil sa panginginig ng katawan ko ay hindi ko mapasok ng maayos yung susi sa sasakyan.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko, kinuha niya ang susi sa kamay ko.

Pagangat ko ng tingin ay hindi ko mapigilang hindi mapayakap sakanya. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa dibdib niya.

Hinagod niya ang likod ko. "Shh. Im here, babe. Im here." Bulong niya sakin at patuloy na hinahagod ang likod ko.

Ilang minuto din kaming ganun ng ayain na ako ni Tristan sa loob ng sasakyan. Siya ang nagdrive.

Tahimik lang ako sa tabi niya. Tahimik akong umiiyak. Walang nagsasalita samin. And I thank him for that. Maybe he wanna give me the peace I needed at the moment.

Huminto siya saglit sa convinient store dahil may binili ata siya bago ulit siya magmaneho.

Hindi ko alam saan na kami napadpad, basta ang alam ko wala na kami sa magulong mundo ng Manila.

Dinala niya ko sa overlooking place. I think nasa Antipolo kami or somewhere near the vicinity dahil medyo familiar ang dinaanan namin kanina.

Inalalayan niya ko palabas ng sasakyan at umupo kami sa hood ng sasakyan. Inabutan niya ko ng isang lata ng beer na kakabukas lang.

I gladly took it. Naramdaman ko rin na nilagyan niya ko ng jacket sa balikat ko dahil malamig sa Antipolo kahit hapon palang. Ngumiti ako ng bahagya.

Tahimik kami habang nakatingin sa view. Until I started narrating my story. Narrating my shitty story.

"Im Katherine Ashley Aguirre...Tan. I was a Tan. I was rich. One of the richest family in Cebu actually."

"But fck being rich. Lahat ng sabihin nila noon ay dapat sundin ko. I was more of a robot than a daughter. I remember them saying na dapat ay mataray ako sa lahat ng tao. I should keep our name unreachable. Dapat ay ilayo ko ang sarili ko sa lahat because for them, no one's good enough to be my friend. Lahat ng sabihin nila, yun lang ang dapat na gagawin ko." Nagumpisa na naman akong maiyak.

"You cant be friends with anyone. Dapat ay masungit ka sakanila para hindi ka nila lapitan. You're a Tan, Kash. Hindi ka dapat basta basta nakikipagkaibigan." Sabi ni Daddy minsang paguwi ko galing school. Nalaman niya kasing may kinausap akong bata noon sa school.

 

Napahigpit ang hawak ko sa beer at napapikit ako ng mariin.

"Imagine, I was thirteen when they've decided to engage me to someone I dont even know. Fucking arrange marriage. Pinakilala nila ko sa lalaking anak mayaman din. Noong nainlove na ko sa lalaking ipinagkasundo nila sakin, something happened. I-I got pregnant at 17." I stopped. Malakas na ang pagiyak ko. Halos maubusan na ko ng hininga. Hinagod ni Tristan ang likod ko pero kita kong nagulat siya sa sinabi ko.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now