Chapter 4 - Naghubad.

43.6K 910 67
                                    

Chapter 4

 

“Uhm. Magluluto lang po ako nang dagdag na pagkain.” Sabi ko. Kasi naman, pangdalawang tao lang tong naluto kong hotdog at itlog, pati kape ay pangdalawa rin lang.

Malay ko ba naman na may meet the parents na magaganap!

 

Umiling si Tita Gabby at kinuwit ang kamay sa braso ko. “No need dear. May dala din kaming pagkain oh, kasi alam naming hindi marunong magluto yang isang yan.” Aniya at nginuso si Tristan.

Nagmake face lang si Tristan sa Mommy niya. At niyaya na ang Daddy niya sa dining area. Pinaupo ako ni Tita Gabby sa tabi ni Tristan habang nasa harap naman namin sila ni Tito Gab.

Bakit ang perfect nilang dalawa? Self-esteem, where art thou?

 

Medyo marami ang pagkain nila Tita, kaya halos mapuno ang buong lamesa ni Tristan. Nang akmang sasandukan ni Tita Gabby si Tristan ay umangal to. “Mom. I can handle it.” Aniya.

Napangisi si Tito Gab at pinaupo si Tita Gabby. “Napapahiya siya sa girlfriend niya brat. Ako nalang pagsilbihan mo.” Sabi ni Tito na naglalambing.

Napangiti si Tita Gabby at kumindat sa akin. “Oo nga pala.” Aniya at si Tito Gab ang pinagsilbihan.

Kung pwede lang biglang lumabas ng condo ni Tristan ay ginawa ko na. Juice colored! Bakit ba kasi ako tumango kanina.

Oo, hindi mo kasi kayang sirain yung ngiti ni Tita Gabby kanina nang masaya niyang tanungin kung girlfriend ka ni Tristan! Kaya panindigan mo yan!

 

Habang kumakain ay nagpaalam ako para magtimpla ng kape nila. Pagbalik ko ay agad na humigop si Tita Gabby.

“Hmm. Masarap. Ang sarap mo naman magtimpla ng kape.” Ani Tita Gabby.

Sunod na uminom si Tito Gab at tumango. “Masarap nga. San mo to natutunan?”

Ngumiti ako. “Sa dalawang taon ko pong pagiging secretary ay parang naperfect ko na ang pagtitimpla ng kape para sa boss ko.” Sabi ko pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko. Dating boss ko pala dapat. Shunga mo Kathy!

 

“Any problem?” Sabi ni Tita Gabby sakin.

“Nako wala naman po. Naalala ko lang, nawalan pala ko ng trabaho kahapon. Kaya po dating boss ko pala yung ibig kong sabihin.” Sabi ko.

“Secretary ka before?” Sabi ni Tita Gabby.

Nako! Eto na ba yun? Baka alipustahin ako kasi secretary lang ako at hindi ako bagay sa anak nila.

 

Alipustahin talaga Kathy? Wow. Pinoy na pinoy lang.

Gusto kong matawa sa sarili ko, eh ano naman kung hindi ako bagay kay Tristan. Hindi naman kami ni Mr. Stranger slash sungit na to noh.

Perfect StrangersOnde histórias criam vida. Descubra agora