Chapter 1 - Katherine Ashley Aguirre

94.1K 1.1K 63
                                    

Chapter 1

I woke up feel like banging my head on the wall. Damn alcohol.

Nagkayayaan kasi kami ng ilang officemates ko uminom. Hindi naman ako sobrang lasing kagabi pero sobra yung hangover ko. Shot pa more Kathy!

Pinilit kong bumangon pero ang sakit talaga ng ulo ko. Ramdam ko yung bawat pintig ng mga ugat sa brain ko.

Pintig talaga Kathy? Nakapagisip ka pa talaga ng malalim na salita sa lagay mo na yan? Akala mo ba kinaganda mo yan?

Shut up, inner Kathy. You're not helping.

I heard my phone rang. Pilit kong kinapa yung phone ko sa tabi ko pero wala talaga. Nagpaikot ikot na ko sa kama pero hindi parin nagpapakita yung phone ko. Lintek. Hide and seek ang peg ng phone ko.

Sinundan ko kung san nanggagaling yung tunog hanggang sa mahulog ako sa kama.

"Aray! Leche!" I hissed to myself. Hinawakan ko yung balakang kong sumakit sa pagkakahulog ko hanggang sa makita ko yung phone kong umiilaw sa ilalim ng kama.

"Nanjan ka lang pala! Paano ka napunta jan! Kaloka to." Sabi ko pa na para bang naiintindihan ako ng lintek na cellphone ko.

Sinagot ko yung tumatawag, hindi ko na tinignan kung sino. Mukhang kilala ko na kung sino to eh.

"KATHERINE ASHLEY AGUIRRE!" Sigaw sa kabilang linya. Nilayo ko yung phone sa tenga ko. Lintek talaga tong babaeng to!

"Ano ba ang aga aga makasigaw ka Michelline Ongpauco! Nakakawala ka ng ganda!" Inis na sabi ko. Aba masakit na nga yung ulo ko tas sisigawan pa ko. Juice colored! Sira ang beauty ko sa babaeng to.

Tumawa siya. "Wala namang mawawala Kathy."

"Humanda ka lang pagdating ko jan Mich!" Natatawang sabi ko naman.

Bigla na naman lumakas yung boses niya. "Speaking! Nasan ka na ba? Galit na si Madam! Bakit daw wala ka pa!"

Nataranta naman ako sa sinabi niya. Nabitawan ko pa yung phone ko nang titignan yung oras kaya ayun, face to face kami ng screen ng phone ko. "Aray! Ano bang kamalasan to!" Sabi ko at hinimas himas ang mukha ko. Ang sakit kaya!

Nang makita ko ang oras ay napatayo ako dahil 15 minutes nalang ay lunch break na namin. Ganun ba katagal akong tulog? Goodness! Lagot ako kay Madam neto!

Binaba ko na agad yung tawag sa pagkataranta ko at dali daling pumasok sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ko nakakakain at dali dali akong lumabas ng unit ko.

Sa pagmamadali ko ay may nabunggo pa kong lalaki nang tumakbo ako papuntang elevator. Pero hindi ko na siya magawang lingunin kasi sobrang late na talaga ako. Patay ako talaga!

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon