Chapter M - Mommy loves you.

43.2K 926 168
                                    

Chapter M

 

Walang mapaglagyan yung saya ko habang nakatingin ako kanila Tita Gabby at Tito Gab na magiliw na nakikipaglaro sa dalawang anak ko. Kasama nila si Tristan na kitang kita ko rin ang lapad ng ngiti.

"Say Lo-La baby." Natatawang sabi ni Tristan.

Hinampas siya ni Tita Gabby. "Anong Lola ka dyan! Pang matanda lang yun ano." Sabi niya at umirap pa kay Tristan. "Mamita. Say Ma-mi-ta." Hinawakan niya ang mukha ni Angelo at pinaharap sakanya. "Say it apo. Ma-mi-ta."

"Mi-ta." Sabi ni Angelo at bumungisngis pa. Napatawa naman si Tristan at si Tito Gab.

Hinampas ni Tita Gabby si Tito Gab braso. "Tumatawa ka rin ha?" Singhal niya.

Hinapit naman siya ni Tito Gab para yakapin. "Ikaw naman. Joke lang. Ang cute kasi ng apo natin."

Napatawa ako ng bahagya. Nakapacute nilang mag-asawa.

"Mamita! Si Daddy oh!" Pagsusumbong naman ni Kate dahil nakikiagaw si Tristan sa ice cream na kinakain niya.

Sumimangot si Tita Gabby. "Ikaw talaga Tristan! Meron naman doon sa loob bakit inaagawa mo pa yang anak mo."

Ngumuso si Tristan at lumapit sakin. Niyakap niya ko mula sa likod at pinatong ang ulo sa balikat ko. "Inaaway nila ko, babe." Aniya.

Tumawa ako. "Wag mo kasi agawan si Kate. Kumuha ka nalang sa loob." Sabi ko naman.

Ibinaon niya yung mukha niya sa leeg ko. "Pati ikaw pala." Aniya.

Ngumiti lang ako dahil nakita kong kinikilig na nakatingin samin sila Tita. "Ganyan din tayo noon oh, brat." Sabi ni Tito Gab.

Hinampas na naman ni Tita si Tito. "Hindi noh! Wala ka naman sweet bones eh." Aniya at tumawa. "Nga pala, dito na kayo magdinner ah nang mapagusapan natin yung tungkol sa kasal niyo." Aniya samin ni Tristan at bumalik sa pakikipaglaro kay Angelo.

Napaigtad ako nang maramdaman kong hinalikan ni Tristan ang leeg ko.

"Tristan!" I hissed. Hindi ko nilakasan dahil ayaw kong makaagaw pansin. "Baka makita ka nila Tita! Nakakahiya!" Mahinang singhal ko.

Pero inulit niya lang ang ginawa niya. Ang tigas ng ulo!

Pabaliktad ata tong si Tristan?! Nung unang kilala namin ay saksakan ng sungit, ngayon naman ay saksakan ng kulit. Pabata ang peg ng paglaki?

"Kasal daw, babe. Cmon, lets get married." Aniya.

Ngumisi ako at tumango. "Ngayon na?" Natatawang sabi ko.

Nagulat ako nang hilahin ako patayo ni Tristan. "Mom. Dad. Pakasal na daw kami." Aniya.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now