"Okay. Sorry." Mayamaya ay umalis na yung babae. "'Kainis! Hmp!"

Tinigilan ko na ang pagpitas ng oranges medyo malamig na kasi eh, 6pm pa tyka napagtripan lang naman naming tatlo na mamitas ng Oranges dahil bukas pa talaga kami maglilibot-libot sa buong Sagada. Sa ngayon, maglakad-lakad raw muna kami sa paligid ng tinutuluyan naming Sagada Hotel.

"Ang lameeg~~" sabi ni Khristel. "Tatlong jacket na patong patong ito pero ang lamig pa din ng pakiramdam ko."

"Ganun talaga." sabi ni Colyn. "Bayad na tayo."

Pumunta na kami doon sa babae at nagBayad ng tig-100.

Naglalakad na kami palabas ng Farm ng masalubong namin yung magpinsan.

"Mint! Terrence!"

Nagtanguan lang kami ni Mint.

"Pupunta ba kayo sa Sanctuary mamaya?"

"Sanctuary?" tanong ni Colyn.

"Oo. Puro kantahan, sayawan ang nandoon. Di kayo mabobored."

"Anong oras ba?"

"7pm siguro." Binalingan ako ni Hito. "Honey, sama ka ah."

Napalingon-lingon ako. Mayamaya ay naramdaman kong siniko ako ni Khristel.

"Ikaw yung Honey niya."

ANO RAW?! AKO ANG HONEY ni HITO?!

"Hoy! Polly! Ang pangalan ko!"

"Honey.." Ngumisi pa ito sa akin.

Di ako nakapagpigil kaya kumuha ako ng isang Orange sa plastic tyaka ko binato sa kanya.

"Oops." Nasalo naman nito ang Orange. Tyaka ito tiningnan. "I'm so touched." Tiningnan naman ako nito. "Salamat sa effort sa pagpitas ng Orange. Ikaw talaga nageffort pa."

>______<

Ang KAPAL talaga ng mukha niya!!

"Tigilan niyo na nga iyang dalawa." Binuka ni Khristel ang dalawang kamay. Open Arms pa. "Were here to RELAX guys. Peace.. be.. with.. us!"

"Teh, sagwa!" Binaba ni Colyn yung kamay ni Khristel.

"Tigilan mo kong hito ka!!"

"Bakit mo ba ako tinatawag na Hito?"

The Virgin WriterWhere stories live. Discover now