Chapter 24

2.3K 201 26
                                    

Her grip tightened on the pillow that she's holding right now when she heard the loud knocks outside her door.

Sinusundo ba siya ni Celso?

Kasalukuyan kasi siyang nasa kwarto niya at nag-aalangan kung seseryosohin ba ang utos ni Celso kanina.

Hindi naman siya pinansin ng lalake pagkatapos nitong sabihin iyon sa kaniya. He didn't even spare her a glance throughout the afternoon up until the evening. Galit pa ata.

Malakas siyang bumuntung-hininga bago tumayo at mabagal na binuksan ang pintuan.

Celso's towering stature, arms crossed, forehead full of creases and his oozing sex appeal greeted her.

"Bakit ang tagal mo?", nakakunot-noong tanong nito sa kaniya.

She bit her tounge and licked her lips before hesitantly answering him.

"Uhmm... akala ko nagbibiro ka lang.",  sagot niya dito habang iniiwas ang mata niya sa mga tingin nito. 

Namumula siya. Gosh! Kung kani-kanina ay excited siya, ngayon naman ay nabahag ang buntot niya.

She glanced up at him again after awhile.

"Ba-Baka hanapin ako ni Jose bukas ng umaga. Dito na lang ako matutulog.", ika niya sabay aksyong isasarado na ulit ang pintuan pero agad na hinarang ni Celso ang paa nito kaya naman hindi niya iyon nasarado ng tuluyan.

Inagaw ni Celso ang unan at kumot na dala-dala pa pala niya nang pagbuksan niya ito.

"Doon ka matutulog sa bahay ko. Nasabi ko na kay Jose kaya wala ka ng dapat ipag-alala.", mahinang saad nito sabay talikod habang dala-dala ang unan at kumot niya.

Wait. What?

Akala ba niya na ayaw nitong malaman ni Jose na magkasama sila sa iisang kwarto dahil masama sa reputasyon niya iyon?

She looked back to her empty bed before hurriedly following where Celso went.

Nasa labas na ng bahay niya naabutan ang lalake. Ang bilis nitong maglakad at idagdag pa na ang tangkad nito kaya naman ang lalaki ng mga hakbang nito.

Nadaanan niya si Jose kanina pero walang makikitang panghuhusga sa mata nito. In fact, he didn't even pay any attention to her.

Nagtataka man kung ano ang sinabi ng lalake para hindi maghinala si Jose ay sinundan niya na lamang si Celso nang buksan nito ang bahay na bato at pinauna siyang pumasok.

Nilibot niya ang tingin sa loob ng bahay slash kwarto dahil maliit lang naman iyon at kahit bahay iyon ay parang isang kwarto lang naman ang nasa loob.

"Celso...", mahinang tawag niya dito.

Napalingon naman ang lalake sa kaniya at makikita sa mga mata nito ang pagtataka.

"Uhmm... Gusto lang sana kitang bantaan na may susunugin sina Heneral Lenardo.", nagdadalawang-isip niyang ika. "Hindi ko alam kung ngayong gabi, bukas o sa susunod na linggo... Basta alam ko malapit na.", mahinang dagdag pa niya.

Hindi mawala-wala sa isip niya ang naalala niyang parte ng script. Mas mainam na mabantaan niya ang lalake bago pa may masaktan.

She glanced at him and saw his confused look.

"Bakit mo nasabing may mangyayaring sunog?", taka nitong tanong sa kaniya.

Naiintindihan naman niya ang kalituhan nito. Syempre, magtataka ito kung paano niya nalaman ang mangyayari. He might even assume na kakampi niya sina Heneral Lenardo kaya niya alam iyon.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon