Chapter 9

2.2K 232 19
                                    

She tiredly groaned while walking towards the horse's stables.

The whole days of work really made her body ache and the first thing she wanted to do is to take a bath and plopped herself in a very comfy bed.

Buti na nga lang at nagprisinta si Jose na ito na lang daw ang magluluto ng hapunan. Hindi niya talaga alam ang gagawin saka-sakaling pilitin ni Celso na siya ang paglutuin.

In return sa pagluluto ni Jose ng hapunan ay ang pagsalo niya sa iba nitong mga gawain. Pinag-igib siya ng tubig mula sa poso di kalayuan sa bahay ng binata.

Let me tell you, it's freaking hard!

Napakabigat ng balde at kahit pa man ilang ulit na siyang pinapagalitan ni Celso na dapat daw dalawang balde ang dalhin niya kada balik ay talagang mariin siyang humindi.

Ang sarap ihambalos ng balde sa pagmumukha ng lalake!

Kita na nga nitong nabibigatan na siya sa isang balde pero mas gusto pa nitong dagdagan ang kalbaryo niya.

Pagkatapos mag-igib ay pinahakot naman siya ng panggatong sa dapugan.

Hinagisan siya ni Celso ng sako at inutusang kumuha daw siya ng bukong at lukay sa may payag di kalayuan rin sa bahay nito.

Wala lang naman sa kaniya sana ang paghahakot o pag-iigib dahil nag-gy-gym naman siya pero sana naman wala si Celso na palagiang pinapagalitan siya dahil may 'unsatisfactory' itong nakikita.

Para pa itong Don na nakaupo sa labas ng bahay at nagkakape pa habang pinapanood siyang ilang ulit na pabalik-balik sa bahay dahil nga sa paghahakot at pag-iigib.

Talagang kapag nakakita siya ng pagkakataon ay gagantihan niya ang lalake but for now ay pahinga ang tanging nasa isip niya.

Hawak-hawak niya ang lampara habang naglalakad papunta sa stable. Malapit na sana siya doon ngunit nakuha ng atensyon niya ang pader sa may bandang likod ng bahay.

Lumapit siya doon at inilawan iyon.

Agad niyang nakita ang itim na marka na dulot ng apoy sa likurang pader na iyon. 

Naitanong na niya iyon kay Jose kanina.

Habang naghahakot kasi siya kanina ay nakita niya iyon at tinanong sa binata. Sagot naman nito ay dulot daw ng ilang ulit na tangkang pagsunog ng iilang taong may galit kay Celso.

Marami na daw beses na may gustong sumunog sa bahay ni Celso. Siguro para mapatay ang binata.

Iyon daw ang dahilan kung bakit pinatayo ni Celso ang bahay na bato nito. Kahit pa man may malaking bahay na pwede nitong tirhan ay napili nitong bumukod para walang madamay saka-sakaling may magtangka ulit na patayin ito.

Kwento rin ni Jose sa kaniya na noon daw ay nagsasaka si Celso ng palay pero ilang ulit rin na napapagtripang sunugin kaya naman napili na lang nitong mag-alaga ng hayop na pwedeng ibenta o di kaya'y tumanggap ng mga orders na gustong ipagawa ng mga taga-bayan dahil magaling na karpintero rin pala ito.

Malakas na napabuntung-hininga na lamang siya at nagsimula na muling maglakad papunta sa may stables.

Aaminin niyang minsan ay naaawa siya sa unfair treatment na natatanggap ni Celso pero ang awa na iyon ay agad-agad na nawawala tuwing natatandaan niya ang pagiging antipatiko at gago nito.

Nang nakaabot na sa patutunguhan ay mahina niyang binuksan ang pintuan ng stables.

Rinig pa niya ang iilang ingay ng mga kabayo ni Celso.

Kainis naman! From 5-star hotels to this?!

Kahit na ayaw niya ay wala siyang magagawa. Sadyang wala siyang choice dahil si Celso lang ang lead niya para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.

Naglakad siya papasok at inisa-isang tingnan ang kada kwadra para malaman kung saan ba may bakante. Nang makaabot sa pinakadulo ay nakita niya na wala iyong lamang kabayo kaya doon siya pumasok.

She tiredly looked at the bale of hays in the corner.

Iyon lamang ang available kaya binuhat niya iyon papaayos para magmukhang higaan.

Kahit walang sapin at hindi pa nakakapagbihis ay dumiretso siyang humiga doon at lumuko.

Wala rin kasing binigay na kumot si Celso kaya kailangan niyang tiisin ang lamig.

Napahikab siya habang niyayakap ang sarili ng mahigpit.

She doesn't care if she smells bad or the bed is so prickly. She's so tired that she can't keep her eyes open anymore.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Tiktalaok ng manok ang biglang nagpagising sa kaniya. Agad na bumuka ang mga mata niya at tiningnan ang paligid.

Madilim pa sa labas pero makikitaan na rin ng iilang sinag ng araw.

Bigla naman siyang nalito nang maramdaman ang malambot na kama sa ilalim niya.

Nilibot niya ang paningin sa paligid at nakitang wala na siya sa kwadra ng mga kabayo.

She's inside a room... an unfamiliar room.

Did I just sleep-walked?

Agad namang nagising ang diwa niya dahil sa naisip.

No! Celso might discovered that I slept here! Baka kung ano-ano pa ang sabihin ng lalakeng iyon.

Kahit pa man gusto niya pang bumalik sa pagtulog ay napili na niyang tumayo at umalis sa kwartong iyon. Kailangan niyang makabalik sa kwadra para hindi siya mapagalitan ng lalake.

She tiptoed silently while leaving the room.

Buti na nga lang at maaga pa at mukhang tulog pa ata ang mga tao.

Sa kusina siya agad dumaan para siguradong walang makakakita sa kaniya pero bigla siyang nagulat nang habang palinga-linga ay may nabangga siya.

"Freaking hell!", gulat niyang saad sabay tingala sa lalakeng nabangga niya.

Celso's stoic face greeted her freshly-awaken state kaya naman napatili siya kaagad.

"Ang aga-aga pero ang ingay mo.", ani nito sa kaniya na parang narindi ito sa pagtili niya kanina.

Agad naman siyang naghalungkat ng maidadahilan dahil baka tanungin siya ng lalake kung bakit galing siya sa direksyon ng kwarto ng bahay.

"Promise hindi ako sa kwarto natulog! Nasa kwadra ako natulog kagabi pero bigla akong nagising sa loob ng kwarto!", nag-aalala niyang saad sa mabilis na boses.

Napakunot lamang ang noo ng lalake dahil sa sinabi niya bago tila parang naliwanagan.

"Ako ang bumuhat sayo palipat sa kwarto.", mahina nitong ani bago siya nilagpasan at akma na sanang lalabas. "At saka nga pala... may nilagay akong iilang damit sa may aparador ng kwarto mo. Damit ko iyon... pero gamitin mo muna dahil wala kang dalang damit. Maligo ka na rin. Ang baho mo.", dagdag nitong sabi bago tuluyang lumabas.

Teka?

Siya nagbuhat sa akin papunta sa kwarto?

Akala ko ba sa kwadra ng kabayo niya ako papatulugin?

Her head is filled with so many questions but after smelling her hair, it suddenly was set aside because she can only think of taking a bath.

Yeah. She smells so bad.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now