Chapter 41

2K 179 60
                                    

Die?

Is that the only reason why I'm here?

Just to die?

Napakumo siya sa kaniyang kamao at handa na sanang sumbatan ang matanda ngunit paglingon niya ulit sa pwesto nito ay wala na doon ang direktor.

Napapahid siya sa kaniyang mga luha.

Magpapakamatay ako?

Can I do it?

But how about my baby...?

Mamamatay rin ang anak ko.

Nanginginig niyang hinaplos ang tiyan habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak muli ng kaniyang mga luha.

I want to escape the pain.

I want to escape the heartaches.

I want to escape all of this.

Pero paano ang anak ko...?

"Baby...", bulong niya sa hangin na parang maririnig siya ng anak niya ngayon. "Kakapit si Mommy...", matatag niyang sabi. "Pero kung hindi ko na kaya... pagpasensyahan mo na kung mahina ang Mommy mo."

Lalaban siya.

Hanggang sa makakaya.

Hanggang sa maging durog na durog na siya.

Hanggang may natitira pang pagmamahal para kay Celso sa puso niya.

She would fight.

Agad na nakuha ang atensyon niya mula sa iniisip nang marinig niya ang tunog ng kalesa at kabayo sa labas ng bahay. She quickly wiped the tears from her face and gathered her skirt so that she can walk fast towards the door.

Nang mabuksan ang pintuan ay nakita niya sina Celso at Maria na nakatayo malapit sa kalesa.

Mukhang aalis.

Agad siyang kinabahan.

Saan sila pupunta?

Kahit pa man magulo pa ang buhok at kusot ang damit ay nagmadali siyang lumapit sa mga ito.

They were chatting with big smiles on their face but it suddenly disappeared when they saw her walking towards them.

"Saan kayo pupunta?", agad niyang saad nang makalapit sa dalawa.

Wala siyang pakialam kung ayaw ng mga ito sa presensya niya. They are going somewhere but Celso never told her anything about it.

She glanced at Celso for some answers but he just looked at a different direction.

Napaubo na lang si Maria at pinili na lang nitong sagutin siya dahil mukhang ayaw siyang pansinin ng asawa.

"Ahh... Binibining Beatrice. Kina Nanay Soledad po sa kabilang bayan. Kakamustahin ko lamang po at sasamahan po ako ni Celso.", magalang nitong saad sa kaniya pero inis lamang ang tanging nararamdaman niya.

"Ginang.", inis niyang saad. "Ginang Isabel ang itawag mo sa akin at hindi Binibining Beatrice. Kasal na ako."

At asawa ko ang kinakalantari mo.

Gustong-gusto niyang idugtong ang mga huling salitang iyon.

"Sasama ako.", she firmly said before helping herself up on the kalesa.

Hindi na niya pinansin ang tila pagka-disgusto ng dalawa sa desisyon niya pero hindi siya nagpatinag.

Wala siyang pakialam kung para siyang bruha dahil wala pa siyang ligo miski panghilamos.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now