Chapter 55

2.1K 206 64
                                    

"Don't smile like an idiot. Hindi pa tayo bati.", irita niyang saad habang iniirapan si Celso.

He was grinning from ear-to-ear while still holding her hand and occasionally kissing it. Kahit pa man nagmamaneho ito ay wala itong pakialam. Minsan ay bibitaw ito sa kamay niya kapag kakailanganin nito ang dalawang kamay sa pagmamaneho pero agad namang ibabalik.

"I'm just happy.", nakangiti nitong saad habang paminsan-minsan ay lumilingon sa kaniya. "Pumayag ka na."

Yes. That's right.

Pumayag siya.

Fuck...

Matapos nitong aminin na si Direct Percy ang may ayaw na malaman niya ang katotohanan ay nagmakaawa ito sa kaniya na hayaan itong bumawi.

She firmly said no. Of course.

Why would I let him be part of my life again?!

Ayaw nga nitong malaman niya ang katotohanan bakit naman niya hahayaan na magawa ng lalake ang gusto nito.

Pero siguro marupok lang talaga siya.

Nakita niya lang ang pagluha ni Celso at idagdag pa ang desperation sa boses nito ay bagsak na kaagad ang depensa niya.

Double fuck...

Parang pinagsisisihan na niya ang pag-oo sa plano nitong bumawi sa kaniya.

"Huwag ka ngang magsaya masyado diyan! Tandaan mo may kondisyon ako!", pagmamaldita niya dito dahil nakakairita na talaga ang mga ngiti nito. "No strings attached tayo, Celso. Hindi mo ako asawa kaya pwede kong gawin anuman ang gusto ko.", pagpapatanda niya dito na nagpalungkot ng konti sa lalake.

But he seemed to be really really happy because the sadness in his eyes quickly disappeared and the shine on them came back.

Para lamang itong batang tumango-tango sabay halik muli sa kamay niya.

Seriously... ang adik naman ata ng lalakeng ito sa kamay niya.

Malakas na lamang siyang napabuntung-hininga at itinuon ang atensyon sa daan.

It's really dark.

Puro punong-kahoy lamang ang nakikita niya. Buti na lang at may mga roadlights sa daan at iniilawan ang dinadaanan nila.

"Are you hungry?", biglang tanong ni Celso sa kaniya na nagpatanggal naman ng atensyon niya sa daan.

Lumingon siya sa lalake at kita ang panak-nakang pagtingin nito sa kaniya.

Sa totoo lang ay gutom talaga siya.

Hindi siya nakakain ng maayos kanina dahil sa mga nalaman. Kahit nga ang kaunting salad na tanging kinuha niya sa buffet table ay hindi niya naubos.

Alinlangan siyang tumango habang kinakagat ang labi.

Agad naman atang nakita ni Celso ang pagtango niya dahil tinanong siya nitong muli.

"Anong gusto mong kainin? Magluluto ako pag-uwi.", tila nag-aalala nitong saad.

She remembered that he doesn't really like whenever he sees her eating less. Kaya palaging puno ang plato niya noong mag-asawa sila. Ayaw na ayaw ni Celso na hindi siya kumakain ng maayos.

"Do you know how to cook pasta?", tanong niya dito.

"Oo. Iyon ang gusto mo?", may paglalambing na wika naman nito sa kaniya.

Gosh... why is he so sweet?!

Nahihiya na naman siyang napatango.

Bakit ba napaka-lambing ng lalakeng ito sa kaniya?!

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now