Chapter 19

2.1K 221 22
                                    

A/N: Pasyensya na po kung nagiging madalang ang updates. 😟 Kung maluwang po ang sched ko next sem baka makabalik tayo sa everyday update na schedule. Salamat nga rin po sa nagpaparamdam ng suporta nila sa stories ko. ☺️ Naaapreciate ko po ang lahat ng iyon.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

She froze upon seeing Celso's towering body. Mukhang kakapasok pa lamang nito dahil nasa may bandang pintuan ito nakatayo.

"Ahh... Kasi nakapa-", sasabihin na sana niya ang totoong dahilan kung bakit siya naandoon ngunit agad siyang napatigil.

She may be a bitch but she is not a snitch.

Hindi niya ilalaglag ang bagong bestfriend niya kahit pa man manok lang ito. Mahirap na at baka maging hapunan nila si Maricel mamaya.

"Uhmm... Ang ibig kong sabihin ay naglalaba kasi ako tapos sabi ni Jose na hingin ko na lang sa iyo ang mga madudumi mong damit kaya pumunta ako dito.", she explained.

At least, it's still the truth.

Napalunok na lamang siya nang makitang humalukipkip ang lalake. Mukhang hindi pa convinced sa sinabi niya.

"Bakit ka pumasok?", mahina nitong tanong muli. Hindi naman galit ang tono nito kaya lumuwag ang dibdib niya.

"May... may narinig akong kalabog. Akala ko anong nangyari sa iyo kaya pumasok ako kaagad.", pagpapalusot niya.

Kumunot lamang ang noo ni Celso sa sinabi niya bago sinarado ang pintuan sa likod nito. Agad naman siyang kinabahan.

O...kay. Why did he closed that?! Should I pray for my life right now?!

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang unti-unting lumapit si Celso sa kaniya.

She held up her hands as if surrendering to a police while speaking. "I didn't do anything, I swear!"

Dahil sa takot sa papalapit nitong porma ay napaatras siya sa lamesa na nasa likod niya.

Once Celso was near her, her body started panicking.

She held her breath when he leaned towards her. Akala niya ay may gagawin ito sa kaniya pero dinampot lang pala nito ang nabitawan niyang sculpture na kasalukuyang nasa lamesa.

Nanginig ang sistema niya nang maramdaman ang hininga nito sa may bandang leeg niya.

"Nakita mo na pala.", tipid nitong saad bago tuluyang lumayo sa kaniya.

What does he mean? Yung uniform o yung sculpture ng mukha ko?

Teka nga, bakit ba nanginginig tuhod ko ngayon?!

Nakahawak na lamang kasi siya sa lamesa para suporta.

Why the hell is she acting like a high schooler in front of her first crush?!

She cleared her throat before walking away from the table.

"Oo! Nakita ko!", tapang-tapangan niyang sabi. "Ikaw ha! Crush mo pala ako! Masyado kang pabebe! In fairness naman, kuhang-kuha mo ang mala-diyosa kong beauty!", akusa niya dito habang tinuturo-turo pa ang lalake.

She saw him sneaked a glance towards the displayed uniform.

Alam niya ang iniisip nito. Kaya nga iniwasan niyang ibring-up iyon.

He's ashamed of people knowing that he still dreams to be a soldier again.

Kaya naman, she just acted as if she didn't notice it.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt