Chapter 10

2.2K 212 35
                                    

"Magandang umaga po, Binibining Isabel.", biglang bati ni Jose mula sa likod niya na nagpabigla na naman sa kaniya.

Agad siyang lumingon sa binata at nakitang papasok ito sa kusina. Mukhang kakagising rin lang.

"Ang aga niyo po atang nagising?", di makapaniwalang dagdag nito na parang hindi inaasahan na kaya niya palang gumising ng maaga.

Gusto niya sanang sabihin dito na sanay na nga siyang hindi natutulog dahil sa hectic schedule na dala-dala ng film industry pero tinikom na lang niya ang bibig dahil baka magtanong pa ito. She just nodded her head as a reply to his question.

Sinundan niya ng tingin ang lalake nang lumapit ito sa dapugan at mukhang magluluto na. He must be the one in-charge of cooking in this household. Masarap rin kasi ang sinigang na niluto nito para sa hapunan nila kagabi.

"Jose...", tawag niya dito na nagpalinga naman dito sa kaniya. "Bakit nasa kwarto ako nagising? Tanda ko kasi nasa kwadra ako natulog kagabi.", dagdag niyang ani dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ni Celso.

Mahinang napatawa naman ang binata bago siya sinagot.

"Hinanap po kasi kayo ni Kuya Celso kagabi. Papahugasin po sana kayo ng pinggan pero agad naman kayong nawala pagkatapos niyong kumain ng hapunan. Nakita naman po kayo ni Kuya na natutulog sa kwadra. Akala ko nga po ay gigisingin kayo pero binuhat lang po kayo ni Kuya palipat sa kwarto. Si Kuya na nga lang po ang nanghugas ng pinggan para sa inyo.", mahabang kwento nito na nagpanganga sa kaniya.

Kailan pa naging mabait ang lalakeng iyon?

"Gusto po nga sana ni Kuya na palitan po yung mga damit niyo kasi ang baho niyo na nga po pero puro po kasi kami lalake kaya walang pwede pong gumawa.", dagdag naman nitong saad.

Pagod na pagod nga talaga ata siya kagabi kaya naman hindi niya man lang napansin na nailipat na siya ng higaan ng lalake.

After knowing what happened last night, she thanked Jose and asked him where the bathroom is. She really needed a bath.

"Ahh... Binibining Isabel... Yung banyo po kasi namin para lamang po sa pagbabawas. Sa ilog po kasi kami naliligo... pero kung gusto niyo po ay pwede naman po ninyong igiban yung banyo para makaligo kayo doon.", paliwanag nito sa kaniya.

Mag-iigib?! Na naman?!

Hindi pa nga nakakaget-over ang mga muscles niya sa pag-iigib kahapon tapos igib na naman ang gagawin niya?

"Sa ilog na lang ako maliligo.", suko niyang ani dahil ayaw niya talagang mag-igib na naman.

Pumunta muna siya sa kwartong kinagisingan niya kanina at naghanap ng tuwalya. Hindi naman siya nabigo dahil nakatupi iyon kasama ng iilang t-shirts at slacks. Pinantay niya ang damit sa kaniyang katawan at nakitang ang laki-laki ng mga iyon.

This can't be!

Beatrice Isabel Ramirez wearing baggy slacks and loose shirt?!

No freaking way!

Aba't sayang ang pinagpapaguran niyang slim figure kung tatakpan lamang ng kahindik-hindik na mga damit na ito.

She mentally noted to look for a needle and thread after she's done bathing.

She would admit that she sucks at every domestic household chores but give her a sewing kit and she would be able to sew any design tossed in her way.

She immediately snatched the towel from the cabinet and determiningly trudged outside the house and towards the river. Hindi naman iyon kalayuan dahil halos nasa tapat lamang ng bahay ang ilog.

She immediately took off her clothes except for her underwear.

Wala siyang pakialam kung may makakita sa kaniyang nakaganoon.

Why would she?

Sa ganda ng katawan niya dapat pang magpasalamat ang makakakita sa kaniya.

Nakakainis nga lang talaga dahil ang baduy ng underwear na suot niya ngayon.

The bra looked like a simple piece of cloth with two garter sewed at each side to act as the straps. Meanwhile, her underwear is a grandma panty!

The hell with this?!

She now missed her lace underwears from Victoria's Secret.

Pinilig na lang niya ang ulo at lumusong sa tubig. Her body instantly felt the coolness that she's been looking for since yesterday.

Agad niyang kiniskis ang katawan para matanggal ang mga dumi na dumikit na sa kaniyang balat.

Makapagtanong nga kay Jose bukas kung saan ang shampoo at sabon nila. For now ay kikiskisin na lang muna niya ang katawan. At least, malilinis pa rin naman siya. 

She was so concentrated with rubbing a dirty spot on her arms that she didn't noticed a certain man walking towards her. His forehead creased in a way that anyone who would see him would instantly know that he is pissed off.

"Isabel!", biglang sigaw ng papalapit na si Celso na nagpagitla sa kaniya.

Inis niya itong nilingon at sinigawan pabalik. "Bakit?!"

"Bakit ka nakahubad?!", gilalas nitong sigaw muli na para bang ang sama-samang maligo ng nakahubad. Well, technically, hindi siya nakahubad. May underwear siya kaya naman ang OA ng reaksyon ng lalake.

"Aber anong gusto mong suotin ko?! Gown?!", mataray niyang ani sabay tayo at nameywang sa harapan nito.

Agad namang tumalikod ang lalake dahil sa gulat at ayaw atang makita ang katawan niya.

"Makatalikod ka diyan, akala mo naman nakakadiring tingnan ang katawan ko! Hoy Celso Montallana! Kung pwede lang kitang dalhin sa panahon ko ay itatapon kita sa Paradise Beach ng Mykonos, Greece! Doon baka atakihin ka sa puso dahil popular nude beach yun!", irita niyang sabi dahil hindi talaga siya sanay na walang naaakit na lalake sa katawan niya.

If she can just take him to a nude beach then she will be happy! Para naman malaman nitong common na sa iba ang maghubad sa beach. Nasubukan na niya iyon sa Greece and all she saw there are dicks and boobs. Walang saplot-saplot. Everyone are naked from head to toe.

Natandaan na lang niya ang naka-fling niya na Italian model habang nandoon pa siya sa Paradise Beach. She recalled that his name is Matteo and you could say they became hot and spicy with each other for a week.

Good times, indeed.

"Tang-ina Isabel hindi ka pwedeng maligo ng nakaganiyan lang!", galit na sigaw ni Celso sa kaniya na nagpatanggal sa kaniyang isipan sa mga makamundong bagay na ginawa nila noon ni Matteo.

Nakatalikod pa rin naman ito kaya naman napagdesisyunan na lang niyang lumapit dito.

Mukhang nagulat pa ito nang bigla siyang sumulpot sa tabi nito at lumuhod sa harapan nito. Nandoon kasi ang tuwalya niya sa may paanan nito.

If someone's gonna watch them right now, they would immediately assume that she's giving him a head. Mukhang iyon rin ang naisip ni Celso dahil para itong dagang hinabol ng pusa sa bilis nitong pag-alis sa harapan niya.

Napatawa siya ng malakas dahil sa nakitang reaksyon ng lalake.

Gosh! Teasing him is so fun.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now