Chapter 47

2.1K 216 78
                                    

DIRECT PERCY'S POV

"Umiiyak ka na naman?", natatawa niyang saad na may halong panlalait sa lalakeng ilang araw nang nakaluko sa banig na nasa gitna ng silid.

Ilang araw na itong walang kain at walang ibang ginawa kundi umiyak habang yakap-yakap ang isang duguang Filipiñiana.

He looked pathetic actually but he can't judge him. Crying for someone you love is a feeling that he never felt ever before. Hindi niya alam ang nararamdaman nito.

Celso also tried killing himself.

Multiple times.

Pero lagi niya iyong kinokontra. His suicide attempts would always be a failure because of his intervention.

No. He can't die yet. Marami pa siyang plano para sa lalake.

He tapped his foot impatiently while watching this poor man weep like a little child. Ilang araw na siyang paulit-ulit na nagpapakita sa lalake. Mukhang naniniwala na itong isa siyang diyos pero hindi naman siya nito pinapansin.

Siguro dahil ay hindi naman niya sinasabi dito na pwede niya itong tulungang mahanap ang babaeng minamahal. Panlalait at pagtawa sa kamiserablehan lamang ang palagian niyang ginagawa dito tuwing binibisita niya ang lalake.

But now is the time.

Dalawang linggo na rin ang pagdudusa ng lalake at mukhang madali na itong mapapasunod sa mga utos niya kung sakali.

He's desperate because he tried begging Horatia to help him but the woman's heart was already closed. Wala na itong mahihingan ng tulong kundi siya lamang.

"Maaari kitang matulungang mapuntahan si Beatrice.", putol niyang muli sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.

Lihim siyang napangiti nang makita ang munting paggalaw ni Celso na nagpapakita sa kaniya na nakuha niya ang atensyon nito.

"Isa lang ang hinihingi kong kapalit. Dapat sundin mo ang lahat ng utos ko.", dagdag niyang wika na tuluyang nagpalingon sa kaniyang direksyon sa lalake.

His eyes are swollen and his five o'clock shadow beard made him looked much older than he used to look before.

Sa paos na boses ay pinansin na siya nito sa wakas at kinausap.

"A-Anong ibig sabihin mo?", nagtataka nitong tanong habang unti-unting tinatayo ang sarili mula sa pagkakahiga.

"Dadalhin kita sa hinaharap...", panimula niyang saad na agad namang nagpaliwanag sa nakakaawang mukha nito. "... ngunit tatlong taon ang hihintayin mo bago mo siya pwedeng lapitan.", he said while smirking.

Celso's brightened face suddenly disappeared after what he said.

Naiintindihan niya ito dahil siguradong napakataas na panahon ng tatlong taon para dito pero iyon ang kondisyon niya.

"Bakit kailangan ko pang maghintay ng tatlong taon?!", hindi makapaniwala nitong tanong sa kaniya. Kita niya ang matinding pagkunot sa noo nito at ang mahina nitong pagsabunot sa sariling buhok na para bang pinoproblema na nito ang tatlong taon na sinabi niya kanina.

Mabagal siyang naglakad papunta sa nakatumbang upuan na nasa loob ng silid na iyon at itinayo iyon bago umupo. He crossed his legs and leaned back confidently before looking at Celso's eyes and telling him his answer.

"Wala akong dahilan. Gusto ko lamang na makita mo ang buhay noon ni Beatrice bago ka pa niya nakilala.", kibit balikat niyang saad bago nagpatuloy sa pagsasalita. "At pinapaalala ko lamang sa iyo na maraming lalakeng dumating sa buhay ng asawa mo... Maaari mo siyang tingnan ngunit bawal na bawal ka niyang makita o makilala hangga't di ko pa sinasabi. Ano? Papayag ka na ba?", dagdag niyang ani.

Natutuwa siya sa expression sa mukha ni Celso dahil kitang-kita niya ang sakit na bumalatay doon nang banggitin niya ang carefree sex life ng asawa nito. His answer however is such a strong and firm one. Na para bang handa na itong masaktang muli basta makita lamang ang asawang nawala dito.

"Oo.", walang alinlangan nitong sagot na para bang buo na ang desisyon nito tungkol sa bagay na iyon.

Napangisi siya dahil sa determinasyon na nakikita sa lalakeng nasa harapan niya.

Good. He finally got the leading man.

What a great way to make a movie.

Imagine directing a historical movie and casting the original characters from the past.

No one can ever do that besides him.

Too bad akala ng leading lady na siya ang kontrabida sa storyang ito. She didn't knew that he gave her a made-up script in the first place.

Iba ang script na nabasa ni Betty.

Gawa-gawa niya lamang iyon. Ang tunay na script ay hindi pa nababasa ni Betty. Ang script na iyon ay ang lahat ng nangyari sa dalawa minus his interactions with them.

I know I'm so evil but that's just how I am.

Mahirap maging immortal.

Time is such a fleeting illusion and he always finds himself bored of his own existence.

He tried being an innocent schoolgirl or a rich handsome billionaire man or a simple lola.

He can be anything or anyone but he always find enjoyment meddling with people's life.

Mas masaya kapag mas komplikado.

He turned his head to Celso and reminded him about something very important.

"Bago tayo pumunta doon...", salita niyang muli. "Payo ko lamang na ipahawak mo sa kasa-kasama mong si Jose ang lahat ng pera mo. Sabihin mo sa kaniya na ipalago para naman may pera at ari-arian ka pagdating sa hinaharap. Maluho ang asawa mo Montallana. Baka hindi mo maibigay ang lahat ng nais niya.", dagdag niyang wika na may halong pananakot.

Celso needs to be ready.

Baka hindi nito makayang makipagkumpetensya sa mga kaagaw nito sa puso ni Beatrice.

The man just nodded obediently, no protest can be heard or seen from his face. Para itong susugod sa giyera dahil sa determinasyon na makikita sa mukha nito.

This would be interesting...

Napangiti siya ng lihim at inilahad ang kamay para kamayan si Celso ngunit hindi iyon agad kinuha ng lalake bagkus ay tinanong siyang muli.

"Bakit kami?", saad nito sa mababang boses.

Napapilig siya sa ulo dahil sa pagtataka na mukhang nakita naman ng lalake dahil agad nitong dinagdagan ang tanong nito.

"Bakit kami ang napili mong guluhin...?", dagdag nitong sabi na nagpaliwanag sa isipan niya.

Mahina siyang napatawa ngunit hindi niya ito agad sinagot bagkus ay tinanong niya ito pabalik.

"Celso... narinig mo na ba ang sabi-sabing 'Mapaglaro ang tadhana'?", balik niyang tanong dito.

He nodded. Creases on his forehead can be seen clearly.

"Totoo iyon.", halos pabulong na niyang sabi. "Mapaglaro ako at malas kayo dahil kayo ang napili kong paglaruan."

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
So sorry for not being able to update. 😭 May family problem lang po talaga ako kaya hindi ako makapag-concentrate sa pagsusulat pero nasolve na po kaya I will try to update as much as I can again.

I just wanna say thank you kay ate sweetyang90 . Ate hindi mo alam na iyong simpleng pagtulong mo sa akin ay isa ng malaking bagay at never ko iyong makakalimutan. 😭

P.S. The next chapters would be in the present na. 🥰

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now