Chapter 34

2.2K 213 22
                                    

"Nanay Soledad, nakakahiya na po. Ang rami na po nitong binigay niyo sa amin.", agad niyang tanggi nang akmang ibibigay ng matandang ginang sa kaniya ang isa pang basket na puno ng prutas at gulay.

Umiling-iling lang ito at pilit pa ring pinapahawak sa kaniya ang basket na dala-dala nito.

Papauwi na kasi sila ni Celso. Isang gabi lang naman ang tinagal nila at ngayon ngang umaga ay uuwi na pabalik sa San Juan.

Nalaman ni Nanay Soledad na nasunog ang malaking parte ng kusina nila at mga imbak na pagkain kaya naman nagpupumilit itong magdala sila ng iilang pagkain papauwi.

Sumang-ayon naman siya nang nagbigay ito ng iilang kilo ng bigas sa kanila pati na rin mga halamang bulaklak nito dahil naisabi niya dito na nagustuhan niya ang mga iyon. Pero naging over the top na kasi si Nanay at gusto pa silang padalhan ng mga gulay at prutas.

Wala lang naman iyon sa matanda pero nahihiya siya dahil kagabi ay pinangakuan rin siya nito na tatahian siya ng mga Filipiñiana dahil naikwento ni Celso na nagustuhan rin niya ang naka-display sa may palengke ng bayan.

Kinuhaan siya ni Nanay Soledad ng measurements at balikan na lang daw niya sa susunod na linggo.

Sobra-sobra na ang binibigay ng matanda sa kanila kaya todo tanggi siya sa gusto pa nitong ipadala sa kanila ni Celso.

"Huwag ka ng mahiya, Isabel. Kunin mo na ang mga ito at dalhin niyo pauwi.", pagpipilit pa rin ng ginang sa kaniya.

Wala na siyang choice dahil kaysa ibigay pa sa kaniya ang basket ay si Nanay Soledad na mismo ang naglagay niyon sa kalesa nila ni Celso.

She was left speechless with the persistency of the old lady.

Naramdaman na lang niyang hinapit siya papalapit ni Celso at binulungan.

"Hayaan mo na lang si Nanay.", he whispered to her that stopped her from giving back the basket to Nanay Soledad.

Matapos ilagay ang basket ng mga gulay at prutas sa kalesa ay nilapitan siya ni Nanay Soledad at niyakap.

"Mag-iingat kayo sa biyahe, Isabel. May bibingka rin akong nilagay sa sisidlan kaya kung gugutumin kayo ay may maaari kayong kainin.", ika ni Nanay Soledad habang niyayakap siya.

"Salamat po talaga, Nanay.", nahihiya niya pang pagpapasalamat dito.

She never felt how it feels like to have a caring mother so Nanay Soledad's actions made her heart blossomed.

Matapos nilang tuluyang makapagpaalam kay Nanay Soledad at Pedro ay bumyahe na sila ni Celso. Ang rami-rami nilang dala kaya naman mas mabagal pa sa usual speed ng kabayo ang bilis ng kalesa nila.

Katulad ng nakagawian ay hinawakan ni Celso ang kamay niya habang nagmamaneho.

"Ang bait ng Nanay mo.", she said to break the silence between them.

Hindi naman awkward ang katahimikang iyon. Sadyang gusto niya lang talagang makipagkausap sa asawa niya.

"Oo. Si Nanay Soledad na ang nagpalaki sa akin at mas malapit pa ako sa kaniya kaysa sa mga totoong magulang ko.", saad nito na nagpalinga sa kaniya dito.

Tinitigan niya ito ng mabuti kaya naman napalingon ang lalake sa kaniya.

His forehead creased in confusion.

"Bakit?", nagtataka nitong tanong sa kaniya dahil tutok pa rin siyang nakatingin dito.

"Magkwento ka pa.", tipid niyang sagot habang hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang mukha nito.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now