Chapter 40

2K 207 73
                                    

A wave of nausea jolted her awake the next morning.

Dali-dali siyang tumakbo sa may labas ng bahay para doon sumuka at mabuti na ring nakaabot siya.

Nanghihina niyang pinunasan ang bibig habang nakahawak sa pader para doon makakuha ng suporta. Hanggang sa pagpasok muli sa bahay ay nakahawak lamang siya doon dahil pakiramdam niya ay matutumba siya.

Agad naman siyang napalinga sa kama nila ni Celso at nakitang maagang nagising ito base na rin sa kawalan ng init sa pwesto nito.

She gently sat down on their bed while looking back to what happened yesterday between her and Celso.

Kahit pa man siya ang nasaktan kahapon dahil sa sinabi ng asawa ay siya pa rin ang unang naghanap dito.

Gusto niya itong makausap para naman maayos nila kaagad ang problema.

Paikot-ikot lamang siya sa bahay hanggang sa wakas ay nakita niya si Celso sa may workshop nito.

She went there to try patch things up with him but he's with Maria again. Nagtatawanan ang mga ito at para bang mag-asawa dahil sa lapit ng mga ito sa isa't-isa.

Gustong-gusto niyang lapitan ang mga ito.

Gustong-gusto niyang hilahin ang mahabang buhok ni Maria at ipagsigawan dito na asawa niya ang lalakeng katabi nito.

Gustong-gusto niyang sampalin si Celso at isumbat dito ang lahat ng mga pangako nito sa kaniya noon.

Gustong-gusto niyang gawin ang lahat ng mga iyon pero hindi niya naigalaw ang mga paa kahapon dahil pakiramdam niya ay para niyang binubulabog ang napakagandang atmosphere sa paligid ng dalawa.

They looked inlove...

It's like they have their own private bubble that no one can penetrate, even her...

Gabi na rin nang pumasok si Celso sa bahay nila. Hinintay niya talaga ito para makausap ngunit hindi siya nito nilingon. She tried hugging and talking to him but he won't pay any attention to her anymore.

Para bang unti-unti na siyang nabubura sa puso at isipan nito.

Bakit parang ang bilis naman ata...

Nasasaktan siya ng sobra.

Ni hindi man lamang siya nakapaghanda sa nangyayari ngayon.

Para bang pinatikim lamang siya ng Diyos tapos biglang sinampal ng problema out of nowhere.

Napababa naman ang tingin niya sa kaniyang tiyan.

I'm pregnant.

Hindi niya kailangan ng pregnancy test para makumpirma iyon. Alam na alam niya sa sarili niya na nagbunga na ang dating pagmamahalan nila ni Celso.

Dati.

That one word pierced a deep wound inside her heart.

Anong gagawin ko?

Napasubsob na lamang siya sa mga palad niya at naiyak. Hindi na niya alam ang dapat gawin. Paunti-unting nawawala na sa kaniya ang lahat ng mga bagay na meron siya.

"Suko ka na?", biglaang saad ng matandang lalake na nakatayo malapit sa pintuan.

Hindi na niya kailangang tingnan ito dahil alam na alam niyang si Direct Percy iyon.

She wiped her tears before putting on a brave face.

"Hindi dahil ako si Beatrice Isabel Ramirez...", matatag niyang sabi kahit pa pulang-pula na ang mga mata niya dahil sa kakaiyak. "...Montallana", dagdag niya kahit pa man hindi niya alam kung gugustuhin pa rin ng lalake na ikabit ang apelyido nito sa kaniya.

"Ako ang may karapatan. Ako ang nagdadala ng apelyido niya... kaya hinding-hindi ako susuko.", unti-unti nang tumutulo ang kaniyang mga luhang muli dahil sa sinasabi.

The director smirked upon hearing her answer before walking towards her. Kinuha nito ang isa sa mga silya doon at ipinwesto sa harapan niya. He sat down on it and he watched her crying with a hint of amusement on his eyes as if she was some form of entertainment.

Galit niya itong tiningnan.

"Are you just making fun of my life?", nanggigigil niyang tanong habang pinipigilan ang sariling suntukin ang matanda.

He just crossed his legs before shrugging his shoulders.

"I just wanna spice things up a little bit. You're an actress so you knew fully well how viewers love making the villains in the stories suffer.", parang walang pakialam lang nitong saad. "Iyon ka lang Betty. Isang kontrabida. No one cares about you or your feelings... as long as the two lead characters get their happily ever after then people would be happy.", dagdag pa nitong ani na mistulang nagpaturok ng punyal sa kaniyang dibdib.

Kontrabida.

Iyon lang siya.

She doesn't deserve her own happily ever after because she'll always be a villain in the story.

Basura lamang siyang itatapon pagkatapos ng lahat-lahat.

"Tanging point of view lamang ng bida ang pinapahalagahan ng mga tao kaya para sa kanila... Isa ka lamang desperadang babae na pinilit si Celsong pakasalan ka kahit pa man alam mong may mahal na siyang iba... at ngayon ngang naandito na ang totoong mahal ay ikaw ang malaking hadlang sa pagmamahalan nila.", he said habang may maliit na ngiti sa mga labi.

"But... that's not what happened! Si Celso mismo ang nag-alok sa aking magpakasal!", she angrily shouted.

Bakit siya pa ang masama sa paningin ng mga tao?!

Siya ang asawa.

Siya ang pinakasalan.

Siya ang nakauna.

Pero bakit pakiramdam niya ay siya pa ang nang-aagaw...

"People won't care about the truth basta makuha nila ang nais nilang ending. Do you actually think that people would care about you? Na may iiyak para sa mga dinadanas at dadanasin mo pa ngayon? For those mindless people, villains would always be villains... at iisa lamang ang nababagay na mangyari sa mga kontrabida... Iyon ay ang magdusa sila.", natatawa pang ani ng direktor na para bang sinasabi sa kaniya na walang kakampi sa kaniya.

"Mabait naman akong tao kaya bibigyan kita ng pagkakataong matakasan ang lahat ng mga ito.", he added that made her looked at him.

"A-Ano...?", nanginginig niyang tanong. She's so pissed because she just found herself actually considering leaving now.

"Die.", tipid nitong saad. "Magpakamatay ka Beatrice at ibabalik na kita sa panahon mo."

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora