Chapter 5

2.4K 206 21
                                    

A/N: This chapter is dedicated to sweetyang90 salamat po ate sa lahat ng mga encouragements niyo po sa akin. Hindi niyo po alam pero malaking bagay na po iyon sa akin. 😊
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Where's my Jimmy Choo?!", panic niyang saad habang iniikot ang paningin sa buong paligid.

"Direct Percy! Where the hell are you?!", sigaw niya, not really caring if nasa loob siya ng simbahan at baka kagalitan sa pag-iingay niya.

Walang sumagot sa pagtawag niya kaya naman napili niyang lumabas na lang at baka may kalesang pwede niyang masakyan pabalik sa entrance.

She cursed inside her mind when she realized that she left her purse on Direct Percy's car.

Great! How would I even call my driver to pick me up?

Nang makaabot siya sa labas ng simbahan ay bigla siyang napatigil.

The town looks so different.

Ang mga lumang bahay na nadaanan nila kanina ay mistulang bagong tayo pa lamang at kung kani-kanina ay walang tao sa paligid, ngayon ay puno ng mga tao ang lugar na pawang nakadamit na parehas ng sa kaniya.

What the hell?

Papagabi na kanina... bakit tirik ang araw ngayon?

Naguguluhan siyang naglakad at naghanap ng kalesang pwedeng sakyan. Nang makakita siya ng isang lalake na nakaupo malapit sa isang kalesa at mukhang naghihintay ng pasahero ay agad niya itong nilapitan.

"Hey you, mister!", tawag niya dito na nakapagpalingon dito sa direksyon niya. "Take me to the entrance.", sabi niya dito pero kumunot lamang ang noo nito sa kaniya.

"Hey! Can't you hear me?", pantataray niya dito dahil nakakainis ang tingin na pinupukol nito sa kaniya.

"Baliw ata... sayang maganda pa naman sana.", bulong nito sa sarili pero rinig pa rin naman niya ang sinabi nito.

"I'm not crazy!", di niya makapaniwalang wika dito sabay irap sa hinayupak.

She looked at him from head to toe while flipping her very gorgeous hair before leaving.

Sarap sampalin ni Manong! Sa ganda kong ito tapos baliw lang ang maiisip nito?!

Naiinis siyang naglakad papalayo dito at pinilit ang sariling maghanap ng ibang pwedeng mapagtanungan.

What is happening?! Did I just time jumped?! Are we already starting shooting the movie? Kaya ba ang raming tao dito ngayon? Mga extra ba ang mga ito? How did Direct Percy able to convince the local government of San Juan to let us film here?

Agad-agad siyang pumunta sa likod ng isang building at tiningnan kung may supporting beam ba doon or green screen.

Alam niyang technique iyon ng mga movie producers na gumawa ng replica ng mga buildings at lagyan lang ng support beam sa likod para hindi matumba o di kaya naman ay green screen para madaling maedit ang background ng mga iyon.

Nagtaka siya nang makitang walang ganoon sa likod ng building.

Anong nangyayari?!

May nakita siyang dalawang lalake na nakatambay doon at naisipang maglakad papalapit sa mga ito. Baka mga crew members ito at pwede niyang tanungan. Ewan niya at bakit kahit mga staff lang ay pinagbihis pa rin ng costumes ni Direct Percy. Makaluma rin kasi ang mga suot ng mga ito.

The two guys looked up to her when she approached them. She crossed her arms before speaking.

"Where's Direct Percy? I need to talk to him right now!", agad niyang sabi sa mga ito. "And you.", sabi niya sabay turo sa isang lalake. "Find Franz and tell him that I'm looking for him.", utos niya dito pero nagtataka lamang na nagtinginan ang dalawa.

"Hello! Are the two of you just gonna idiotically look at each other?! I'm busy so lift your butts up and do what I said.", pagtataray niya sa mga ito dahil para itong mga tangang nagtitinginan lamang sa isa't-isa.

"Baliw ata.", saad ng isang lalake sa kasamahan nito.

"Hawakan mo. Mas madali iyang tirahin.", sagot ng kasama nito sabay lapit sa kaniya at hawak ng mahigpit sa kanang braso niya.

Ang kasama naman nito ay akmang lalapit sa kaniya at hahawakan na sana ang kaliwa niyang braso.

That's when everything hits her.

Part 1 Scene 1:
Pagtatangkaan si Isabel ng dalawang lalake sa may bandang likod ng isang establisyemento. Bago pa lamang ito sa San Jose kaya naman wala itong kamuwang-muwang sa panganib na pwedeng mangyari.

Are we shooting the movie already?!

Naguguluhan man ay nagpumiglas siya sa hawak ng mga ito.

Masyado atang tinotoo ng mga lalake ang role nila at talagang ang higpit ng mga hawak nito sa kaniya. She thinks that their grip on her will leave bruises on her skin.

"Let me go!", sigaw niya sa mga ito.

Wala na siyang pakialam kung mali ang line na nasabi niya.  Talagang masakit ang pagkakahawak ng mga ito sa kaniya.

Hinintay niya na may sumigaw ng "Cut!" at magsilabasan ang mga crew members pero walang nangyari at pilit pa rin siyang hinihila ng mga lalake sa may punuan.

"Direct Percy! Masyadong OA ang mga extra mo! Nasasaktan na ako!", sigaw niya ngunit biglang tinakpan ng mga ito ang bibig niya.

Panic rushed inside her.

Direct Percy or any of the crew members aren't answering her. Ano ba talaga ang nangyayari? Nasaan ba talaga siya?

She quickly tried to remember what Isabel did in the script.

Celso!

She will cry for help and Celso will come and save her.

"Tulong!!!", malakas na sigaw niya. Ilang ulit siyang nagsisigaw habang pilit pa rin siyang hinihila ng mga lalake.

Namaos na lang ang lalamunan niya ngunit walang Celsong dumating para tulungan siya kaya naman tinadyakan na lang niya ang isa sa mga lalake at sinuntok sa ilong ang kasama nito.

Tumumba ang mga ito kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na tumakbo ngunit narinig niyang sumigaw ang isa sa mga ito na habulin daw siya.

Mas pinabilis niya ang pagtakbo at nang malapit na siya sa harapan ng building ay may nabunggo siyang lalake na may dalang malaking sako at manok na nakatali ang dalawang paa.  

Napatigil ito dahil sa nangyari pero thankfully ay hindi tumumba dahil sa impact ng pagkakabunggo niya dito.

Agad-agad siyang nagtago sa likod nito upang hindi siya maabot ng dalawang lalake.

In fairness, broad ang back ni kuya!

"Tu-tulungan mo ako.", humahangos niyang saad habang masamang nakatingin sa dalawang lalake na naabutan na siya. Hindi ito lumapit sa kaniya dahil na rin siguro sa takot bunga ng matipunong lalakeng nasa harapan niya at ginawa niyang shield mula sa mga ito.

Nagulat siya nang hilain siya nito at itinulak papalapit sa mga lalakeng gustong magtangka sa buhay niya.

"Kung may problema kayo ay huwag niyo akong idamay.", malamig na ani nito.

Hindi siya makapaniwalag tumingin dito dahil sa sinabi nito.

Hindi siya tutulungan nito?!

Tatarayan na sana niya ito kaya nakapamewang siyang humarap dito ngunit bigla siyang napatigil dahil sa itsura nito.

It's Celso Montallana in the flesh.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now