Chapter 39

58 5 0
                                    

"Bitches!"

"Ah!" bumeso si Gea kay Angela.

"Ange!" sigaw ni Ysabelle kaya biglang napatigil siya sa pagaayos at lumapit para yakapin.

Maria stayed in her seat, looking at herself at the mirror as she placed makeup on herself. Lahat kami ay nakarollers na ang buhok para daw matchy matchy kaming kulot. 'Di na kamo kailangan ni Maria ng pangkulot.

Gea was getting along with everyone so far. Nakadating siya dito noong isang linggo at tinour ko siyang aroung BGC and Alabang. Nagclubbing na rin kaming anim. Us four + Angela and Gea.

I swear, sobrang chaotic. Louise and I sat on the couch at the VIP section (courtesy of Maria) as the other four... danced. Yes, danced.

Louise came inside the room after handing baby Seah to her husband. She sat on one chair as she started to open her makeup kit. The makeup artist was fixing my appearance now. From my side, I could see my white wedding dress hanged to the side.

I cut my hair short. It made me feel free. Sinamahan pa ako ni Julian no'n para magpagupit. Dati ko pa gustong magpagupit ng ganito. Hair above my shoulders. But my parents wouldn't allow me then. Dala dala ko iyon hanggang sa paglaki ko dahil ayaw ko sawayin ang utos nila.

"Creepy naman ng cabinet, parang biglang may lalabas na multo galing sa sinaunang panahon." ani Ysa habang kinukuha ang damit nya mula doon.

Nandito kami ngayon, nagbabalik sa Las Casas sa bayan ng Bagac, Bataan. Dito naming naisipang magpakasal ni Julian. It was either here or the church in Intramuros.

"Miss, light makeup lang itong ginagawa 'ko ah. Maganda ka naman. Mas bagay kapag ganito." sabi sa akin ng makeup artist. Tumango ako. Pagkatapos ako ayusin, iniwan kami ng makeup artist sa kuwarto.

Nagsimulang magbihis ang mga kaibigan ko sa mga gowns nila. Gea, Angela, and Ysabelle were practically pushing each other para lang mauna sila sa kaiisa-isang cr. Louise fixed herself in front of the mirror. Ngayon lang siya nagsimula dahil karga karga pa niya anak niya kanina.

My foot was bouncing up and down. "Kabado?" tanong ni Maria at umupo siya sa tabi ko. The light bulbs that are attached to the mirror are blindingly bright. "Okay ka lang?"

"Wedding jitters..." I replied.

"Normal lang 'yan."

I nodded.

"'Di ako makapaniwala na ikakasal ka na." she said incredulously. I laughed a bit. "Pero sis... seryoso, kung naisipan mong magpaka-runaway bride... sumenyas ka lang sa akin. Gagawa ako distraction. Hindi pa huli ang lahat."

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. "I'll keep that in mind."

"'Di nga, seryoso kasi!"

"Labo naman." lumabas sila Ysa mula sa cr ng isa isa. May facemask pa nga. "Kung may isang tatakbo mula sa kasal niya, it's either... you," she pointed at Maria. "or me."

"Humanap ka munang jowa bago pagusapan ang kasal. Baka tumanda kang dalaga 'e."

Napahalakhak ng malakas si Angela habang si Gea, medyo nagprprocess pa ang utak sa pagtatagalog nila. Nakakaintindi naman siya. Slow nga lang. When she finally understood, she made a face that screams disbelief that Maria had the guts to say that and later laughed so hard.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now