Chapter 38

47 4 0
                                    

"Gagi! Hindi ba nakakalito 'yon! Leanne, Ju-leanne-na, Ju-leanne. Tongue twister. Si Juliana at Julian ang magulang ni Leanne. Repeat 10 times." sabi ni Ysabelle, stressing at each syllable as she said our names.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Louise. Naghiwalay muna kami ni Julian pagkatapos namin ilagay ang gamit namin sa condo. Gabi na. 'Di pa ako inaantok. Time difference kasi. Kaya dito muna kami tumambay.

Binatukan ni Louise and kaibigan namin na kanina pa nagsasalita. "Kakatulog lang ni Seah. Be quiet... Or else, iiyak 'yan." she said as she sat on the couch and got one can of beer.

"Okay lang 'yan. Kapag nakita niya naman ako, 'di yan iiyak. Favorite ninang kasi hehe. Mas love pa nga ata niya ako kaysa sa'yo. 'Di mo kasi pinagbibigyan." nilabas ni Ysa dila niya.

"You give her bars of chocolate kasi! Inuubos niya 'yon in one hour, Ysa!"

Biglang umiyak si Seah, anak nila Louise at Santi, sa kuwarto niya. Napapikit ng mata si Louise. "O..." tinaas ni Ysa ang mga kamay niya. "Ikaw yung sumigaw, 'wag ako, Louise."

Tatayo na sana si Louise noong biglang bumukas ang pinto at pumasok si Santi. May hawak na envelope at nakasuot ng polo. "Great, you're home." sabi kaagad ni Louise. Umupo siya at sumandal. "Ikaw na nga... Kanina ko pa pinapasleep si Seah."

Nanliit mata ni Santi sa amin. "Pusta ko si Maria ang nagpaiyak."

"Nope, this time it was Ysa." sagot ni Louise.

"Akin akin." nakakaasar na ngiti ni Ysa.

Lumipad ang paningin ni Santi sa akin. "Uy, Liana! Long time, no see. Vacay?"

"Nope." I smiled. "Here, permanently."

"Ah-" may sasabihin pa sana siya pero biglang lumakas ang iyak ni baby Seah. "Sige, wait lang. Marami pa ata doong wine sa ref, kuha lang kayo..." at tumakbo na siya papasok ng kuwarto.

"Anyways... kailan ba wedding, mars? T'saka kailan due iyang si Baby Leanne?" tanong ni Maria.

"Next month na wedding, April. Ta's either late August or early September yung due date."

"Next month! Gaga, bakit ambilis! 'Di pa ako ready, shuta wait." nilabas ni Ysabelle cellphone niya. "Oorder na ako ng dress ko. Ay... pucha, wala ng laman ang gcash ko."

"Bakit next month! Hindi mo pa nga naaasikaso lahat ng kailangan 'e."

I smiled sheepishly. "Simple lang naman iyong kasal. I want it to be intimate. Konti lang din naman iinvite ko." sabi ko. Totoo naman 'e. Just some very close friends... Julian's family, si Kuya- Ay hala! Si kuya nga pala. Kakausapin ko rin siguro siya bukas. I wonder how he's doing.

We haven't been keeping touch but he sends me texts naman din every month. Busy din kasi. Attending na siya sa PGH.

"How about... your parents, Liana?"

Tumahimik sila.

"I mean... malalaman at malalaman din nila na nandito ka ulit sa Pilipinas. Kilala mo naman sila... Paano na?"

I sipped on the juice they prepared for me. Ako lang ang hindi canned beer ay iniinom dahil masama iyon para sa baby. "I'll... I'll talk to them. I'll talk to them tomorrow." I reassured them.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now