Chapter 10

93 4 4
                                    



"Ano balita? Okay na kayo? Sinuyo mo na?" I was with Francis and the rest of my friends in the canteen. Siguro ito ay isa sa mga nabibilang na pagkakataon na kumpleto kami. Pare-parehas na kasi kaming busy pero we try to have time for each other as soon as the situation allows it.

"We're okay. Hindi naman talaga kami nagaway 'no." I said, confidently. To be honest, medyo nagulat ako noong good mood na ang timpla niya kinabukasan. But I didn't question it because I told myself that I should be glad na nawala na ang pagkabad mood niya.

Nagbigay ng nakakaasar na mukha si Maria at agad namang lumiit mata ni Louise. "'Di pa kayo nagaway sa lagay na 'yan." bulong ni Ysa na malaki ang mata. Agad siyang hinampas ni Francis sa balikat dahil sa sinabi niya dahil sila ang magkatabi.

"Aray, putangina!" sigaw niya. Napapikit ako. Rinig na rinig ang pagsampal dahil sa lakas nito. Knowing that Francis is the start player and the spiker of our men's volleyball team in school, alam kong masakit iyon. "Sorry akin."

Napatawa nalang kaming lahat. "But, why was he like... masungit... last week?" Louise asked, taking a sip from her newly bought drink na binili namin sa bagong bukas na milktea store dito sa school. Ngayon lang kami nakabili dahil isang linggo iyon punong puno ng mga estudyante.

I took a sip from mine as well. "'Di ko rin sure 'e."

"Ba't di mo tanungin?" Maria asked like it is the most obvious thing in the world to do.

"Ayoko. Nakakahiya."

Napatahimik nalang mga kaibigan ko sa sinabi ko. I know that the same thing was going on in all their minds. Maging sa isip ko ganoon rin. Bakit ganito si Liana? Bakit parang wala siyang sariling boses na kayang ipaglaban ang sarili niya?

I smiled at them. Eyes pleading, sinasabi sa kanila na please, baguhin niyo na ang topic.

Thankfully, naramdaman kaagad ni Maria ang discomfort ko kaya ibinaling kaagad niya ang usapan tungkol sa katatapos na Intramurals. Buti nalang talaga.

"So... ano silbi namin dito?" naiinip na sabi ni Maria habang nakasandal sa balikat ni Francis, mukhang kulang sa tulog. Si Francis naman, busy sa paglaro ng Mobile Legends sa cellphone niya kaya wala namang paki sa tagal ko. His leg was bouncing up and down dahil nakailang deaths na siya.

It was Saturday, nandito kami ngayon sa isang mall dahil kailangan ko bumili ng regalo para kay Ray dahil anniv namin bukas, Linggo. May naisip na akong bibilhin kaya hindi na kami nagpaligoy ligoy sa mall at dumiretso na kami sa Nike.

"I don't know kasi kung ano magandang kunin para sa kaniya. 'Di ako basketball player." I explained while looking at one pair of shoes. Nakaipon na ako ng sapat na pera after days of eating only hotdog rice and siomai rice sa canteen. Isang araw lang ako kada buwan bumibili ng milktea sa school, which was a lot of sacrifice for me.

"'Di din naman kami basketball player." masungit na sabi ni Maria. I think she's mad dahil ang aga namin dito. Pag bukas palang ng mall, nandito na kami. Eh malakas pa naman matulog 'tong si Maria, lalo na kapag weekends. Nahiya nga akong tawagin sila pero para kay Ray 'to 'e.

"Yeah, but atleast athletes kayo. 'Tsaka itong si Francis, naglalaro din ng basketball paminsan-minsan." He plays both sports dahil minsan, kalaro niya ang kapatid niyang si Emmanuel na kabilang sa varsity ng basketball. Magaling din naman si Francis sa basketball pero tunay na volleyball talaga ang gusto niya.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now