Chapter 06

112 6 0
                                    

"Merry Christmas!"

"Maligayang Pasko!"

I smiled as people exchanged peace during the mass. Peace be with you's and Merry Christmas' were exchanged between families and friends.

Pakiramdam ko, napapalibutan ako. Napapalibutan ng mga masasayang pagyayakap at paghahalik ng mga tao sa kanilang mga kasama. Pati sila mama't papa, at si Kapitan at ang bunsong anak niya na si Lucas ay peace be with you sa isa't isa.

I stopped after I bowed down sa altar.

'Di na ako gumalaw noong hinalikan ako nila mama't papa sa pisngi ko ng marahan.

They were staring at me, smiling.

Waiting for me to greet Julian, and him to greet me.

Bago pa magsimula ang panibagong parte ng misa, lumingon ako sa katabi ko. Doing the thing we've been doing for the last 9 days, [going on 10 today] which is shaking his hand.

In the end, ako talaga ang mauuna dahil sa ayaw kong sumaway sa utos ng magulang ko.

"Merry Christmas." I lightly said while holding up my hand for him to shake.

Onti onti din siyang lumingon sa akin. Tumango siya at tumingin sa kamay kong nakalahad para sa kaniya. Nagisip muna siya. "Maligayang Pasko, Juliana." he said, finally shaking my hand.

Christmas was just like any other day in our home.

Kahit ayaw ko itong aminin, gano'n na lang talaga. As much as Christmas is a special day to us, Christians and to Jesus, ang bahay namin ay parang walang kabuhay-buhay.

That went on for weeks.

Noong pinanood ko ang mga ig stories ng mga kaibigan ko, nakaramdam ako ng inggit. Lahat sila ay parang sayang saya kasama ang pamilya nila. Nagtatawanan habang nagkukuwentuhan sa labas ng mga bahay. Nagiihaw ng barbeque noong New Year. Nagboboomerang ng pagtatalon noong nagreach ng end ang countdown papunta sa panibagong taon.

I sighed.

Our home looked good from the outside. Successful businessman and businesswoman as parents. A child who is an overachiever. A house bigger than what we need. Shelf full of food to sustain us for many months.

Pero hindi kami masaya.

Atleast ako hindi.

Kaya sobrang tuwa ko noong bumalik ang klase. School was my escape from home.

"Kumuha na kayo tickets para sa fest?"

Nakaupo kami ngayon sa isang hagdanan sa labas. Nakatanaw sa field habang sineset up ang stage para sa mga banda na tutugtog sa fest. That'll be 3 weeks from now. Every 3rd week kasi cinecelebrate ang pista ng Sto. Niño.

We were all wearing a red shirt and maong jeans dahil buong January, or kaya halos buong January, ay mag eensayo ang lahat ng antas para sa Field Demo nila. I didn't have to join dahil parte ako ng council. 'Di nga ako sasayaw, mas mahirap naman ang gagawin namin. But I didn't want to complain, this was part of what I signed up for.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now