Chapter 09

93 3 0
                                    


"Hi." I kissed his cheek as I sat down on the bench sa gilid ng gym.

"Aga mo ah?"

"Oo," binaba ko ang bag ko sa tabi ko. He was wearing his training jersey pero hindi pa ata ito nagststart. Natanaw ko si Maria at si Francis Gonzales, isa pa naming friend at kasection sa isang gilid ng gym kung saan nandoon nakatayo sa net ng volleyball. Parehas silang varsity ng volleyball. Si Francis naman ang kaklase namin noong grade 9 and grade 10 kaya tuluyan na namin siya naging tropa.

They were making heart signs and sending me flying kisses. "Wala na daw yung last sub namin na teacher kaya umalis na din ako doon."

Tumango nalang lamang siya. I think bad mood siya today. I made it a habit na bumisita sa kaniya paminsan minsan sa gym dahil medyo nagclash na sched naming ngayon na Gr. 11 na ako ta's siya, Grade 12.

Mag-tu-two years na kami.

"Okay ka lang? May sakit ka ba?" I asked him and placed the back of my palm on his neck. Kanina pa talaga siya bad mood. Maybe may sakit siya? E'di dapat 'di muna siya magtraining.

Umilag siya. "'Di, okay lang." he said and atleast gave me a small smile.

"Oh okay." I answered. Kanina ko pang nakita na tinetext na ako nila papa at ng driver namin pero mas pinili kong puntahan muna siya. This whole week, feeling ko may sama ng loob siya. O kaya nagtatampo siya sa akin, 'di ko alam. Basta there was something troubling him.

"Uuwi ka na?" he asked as I was looking at my messages. Napakagat ako ng ibabang labi at dahan dahang tumango. "Sorry, hinahanap na talaga ako sa bahay."

"Okay lang, 'di mo kailangang magexplain." he said and he kissed my cheek. "Ingat ka pauwi."

When I stood up and started walking towards the gym entrance and exit, nilingon ko ulit siya at nakitang kausap na niya ang isang teammate niya. Bad mood ba talaga siya? O sa akin lang? May ginawa ba ako?

Tinabihan ako ni Francis at ni Maria sa magkabilang gilid ko noong nalapit ako sa labasan. "Di pa ba start training niyo?"

"'Di, mamayang 7 pa, pero teh, an'yare do'n? Ba't parang magkaaway kayong dalawa?" tanong ni Maria. Sumang-ayon naman si Francis sa isang gilid ko, "Totoo, LQ ba? Hindi ba never pa kayong nagaway?"

Isa isa ko silang tiningnan at napabuntong hininga. "Firstly, oo, never pa kaming nagaway. Pangalawa, 'di ko din alam ba't gano'n siya. He said he's not mad naman nung tinanong ko siya noong isang araw but his actions says otherwise. Parang may nangyari 'e, I don't know."

"Luh siya, e'di dedmahin mo din. Kung cold siya e'di mas lamigin mo pa pota 'wag ka patalo, mars." panakot ni Maria sa akin.

I looked at Francis, wanting another opinion. "Ano sa tingin mo?"

He laughed. "Wala na ako diyan, ang gusto ko lang problemahin as of now is pa'no ko sasabihin kay Soph na tigilan na niya sa pagchchat sa akin. Naiilang na ako sa kaniya, may iba na akong gusto."

Ngumiwi ako. "Parehas na parehas na kayong dalawa." I pointed at the two of them. "Dalawang araw mo palang iyon kachat ah."

"Heh." ngumisi siya. "Ayoko sa clingy, bahala na. Papasabi ko nalang kamo kay Louise na tatanan na ako ng kaibigan niya. Pero, Liana, kung sa tingin mo naman na wala kang ginawa, kumalma ka lang. Baka nireregla lang this week si Ray, joke." tumawa silang dalawa. Medyo nakalayo na kami sa gym pero rinig na rinig namin ang pagsipol ng pito ng matagal.

Kapit BitawМесто, где живут истории. Откройте их для себя