Chapter 30

45 4 7
                                    

Isang sampal.

Dalawa.

Pagpasok ni mama.

Kay bilis ng pangyayari.

"Sakit sa ulo!"

"Rodulfo! Anong nangyayari? Lumabas lamang ako ng saglit!" agad kaming hinarangan ni mama. Naroon siya sa harap ni mama kaya tumingin siya sa akin.

"Ano nanaman ang ginawa mong bata ka?"

I didn't speak. I kept my head down. Kasi kapag nagexplain pa ako... sasabihin nanaman nilang wala akong galang at nagsasagot sagot pa ako.

"Magsalita ka!"

Ang gulo.

Ang sakit.

Ang sakit ng pisngi ko. Pakiramdam ko isang pader ang sumalpom sa akin.

Ang sakit din ng puso ko. Ganito ba talaga dapat ang trato ng magulang sa isang anak nila?

"Hindi ka talaga magsasalita ha? Ha!" pilit nang hinila ni mama ang buhok ko para harapin siya. "Sagutin mo ang tanong!"

Ni hindi pa nga niya alam kung anong nangyari, kakampihan niya kaagad si papa.

Ako nalang lagi.

Si papa na ang nagsalita. "Iyang anak mo. May ka-relasyon daw! Kahit alam na alam niyang nakasundo na siya sa isang lalaki. Ano kaya ang sasabihin ng Barcellano's kapag nalaman nila ito! Lalong lalo na si Erikson! Tayo ang mahihiya sa pinaggagawa ni Juliana!"

Tumingin ako diretso sa mata ni papa. Hawak ko pa rin ang pisngi ko. Ang hapdi. This'll be swollen tomorrow, for sure. "Alam niya."

Napapunas sa pisngi si papa sa stress. "Alam nino?" alam ko pinipigil niya talaga iyong galit sa boses niya. Bakit pa niya pipigilan? Kami lang naman ni mama ang nandito. Oh and well, the maids. But I fear that this was nothing new to them.

"Alam ni... Erik."

Sampal.

Si mama naman 'yon.

I have to admit that hers was slightly more painful than my father's.

"Bakit niya alam?! Putragis, Juliana! Wala ka bang hiya?! Siya ang pakakasalan mo tapos makikita ka na may kasamang ibang lalaki?"

Magsasalita sana ako pero inunahan ako ni papa.

"Who is that boy? Sino yung umakit sa'yo? Dalhin mo dito!"

Umiling ako. Ayoko. 'Di puwede. Masasaktan lang si Julian. Dad will surely kill him. I have to make sure that dad wont find out who he is.

Dadagdag pa sa galit ng magasawang de los Santos kalag nalaman nila ito iyong fiance ko dati na bigla bigla nalang lumisan. Leaving us with an enormous amount of depth due to his family's absence. 'Di na napirmahan iyong kontrata.

"Hindi ka magsasalita?"

"Juliana, tell your father."

Kapit BitawWhere stories live. Discover now