Chapter 07

97 5 0
                                    

st. liana, pray for us 🙏
Today 10:34 AM

where r u all na?

ave maria:
otw

okayokay

ave maria:
on the water

ysa gnda:
HAHAHHAHAHAHAHAAHHAHAHA
AYOS 10 NA

ave maria:
8 pa start ng concert kalma po tayong lahat
chill mga sismars

sasabay kayo right?

ysa gnda:
oo
teka teka mahaba pila sa trike kanina e
eto na nakasakay na
pogi ng katabi ko picturan ka nga

ave maria:
gaga baka makita yung text mo samin

ysa gnda:
edi mas maganda
atleast aware <33
maligo ka nalang diyan ikaw nanaman yung malalate sating lahat

louise:
:(

ysa gnda:
UY LOUISE SHHSHSGHAAHHAHAHA
SINO ULET DI PINAYAGAN SA ATIN

ave maria:
SHSHHSSHSHSHS ok lang yan louise
padalhan ka namin pics

louise:
🙄
wtf will i do with those pics

HAHAHAHAHAHAHA
i'll send u vids of munimuni playing

louise:
YAY
TNX BETCH
MWA

ave maria:
papunta na ako

around where r u na?

ave maria:
papunta sa kuwarto kasi kakatapos ko lang maligo
advance niyo naman tol

ysa gnda:
liana lumabas ka na

why
ur here na?

ysa gnda:
hindi
ang sabi ko lumabas ka lang
hayst advance nga tong kaibigan natin mga sismars

"Bye! Mwah! Mwah! Kung may nakita kayong outsider na pogi, picturan niyo at itext niyo kaagad sa akin, okay? okay." nagmamadaling sabi ni Ysa at bumaba sa sasakyan namin. Medyo humarap si Maria papalapit sa harapan para makita ang kaniyang sarili sa salamin at ayusin ang buhok niya. Inayos niya rin ang fit sa kaniya ng damit niya na pinaghandaan talaga niya dahil sa date niya.

Maging ako din ay tiningnan ang itsura ko sa cellphone ko. Tinapik ko balikat ni Maria para humarap siya sa camera at magpicture kaming dalawa. Sinend ko iyon sa gc na agad namang tinugunan ni Louise ng mga crying emoji at tanong kung nasaan daw ang b*tch na isa.

Tumingin si Maria sa cellphone niya at nagsimulang magtext. "Shet, sis. Andito na daw si ano. Una na ako, ah. Kita nalang tayo mamaya."

"Sige na, go na, hinihintay ka na siguro niyan. Goodluck!"

Tumawa siya ng parang kinikilig, "Kayo din ni Ray! Picture kayo mamaya ah, sige sige bye!" nagbeso siya sa akin at lumabas na rin sa sasakyan.

I sat there in silence as I saw our driver go out and go directly to the waiting shed for people. Hihintayin niya kasi ako dito sa school hanggang matapos ang program. Kulang nalang nga na ipabantay ng parents ko siya at sundan ako sa bawat kilos ko sa loob 'e.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now