Chapter 15

76 6 0
                                    

Mama
Today 4:35 PM

Come home at once when school ends.
May in-arrange na dinner iyong papa mo kasama ang mga Angeles. Siguraduhin mong 'di ka malalate tulad dati.

"Julian." I called out to him. We were at the main expressway na on the way to Cavite. Pagkatapos namin bumili ng mga papel, bumili na rin ako ng pagkain ko. We immediately said goodbye to Pao and Sean after that. We warmed up to each other in time. Magaan silang kasama.

Kanina ko pa tinext driver ko na maaari na siyang umuwi dahil sasabay ako sa mga kaibigan ko pauwi. To be honest, 'di ako magaling magsinungaling. I just made that up in hopes na paniwalaan niya iyon. Thankfully, no questions were asked.

Sana 'di niya sabihin iyon kanila mama. If ever, I already planned what I was going to say. Sasabihin ko na binaba ako nila Louise sa kanto at umuwi kaagad. They always were in our house kaya minsan naaabutan nila sila mama. 'Di ko din gets kung bakit doon meeting place namin 'e ang bahay ko nga ang pinakamalayo sa school.

"Ano?" tanong niya, not looking at me. There were not much cars on the road kaya smooth lang ang takbo ng sasakyan.

"Dinner. At your house."

"What? When?"

"Ngayong gabi." I tilted my phone a bit to my right. Sandali siyang sumulyap pero agad ding ibinalik ang tingin sa kalsada.

Tumango siya. He drove to an exit and we were lining up to a tollgate. "May barya ka?" tanong niya, habang naghahanap ng mga piso piso sa harap. I quickly fumbled with my bag. Alam ko ata mayroon ako.

"Magkano?" binibilang ko na yung mga coins ko na nasa pocket ng bag ko.

"23 pesos."

"Ayan." bigay ko sa kaniya. Medyo nagtama ang mga kamay namin sa isa't isa pagkagawa namin no'n. He muttered a thanks and gave it to the person in charge. My finger was tapping the arm rest to the beat of the song playing.

"Julian."

"Hmm?"

"May tanong ako."

He looked at me, medyo traffic pa sa kalsada dahil sa dami ng sasakyan dito sa Cavite. His eyes questioning, confused."Ano iyon?" he carefully said. The building and the sign of Mcdo was contrasting the sun. Pababa na kasi ito. I looked at the time. Minutes before 5. Dahil siguro sa traffic, makakadating kami mga 5:45 o siguro mga 6 na.

"Tutol ka ba sa kasal?"

I immediately regretted saying that. Bahagyang napatigil kaming dalawa ni Julian. Pakiramdam ko humina bigla ang aircon sa sasakyan. Napahawak ng batok si Julian pagkatapos ng ilang segundo. "A-ano?"

Bakit siya nauutal?

"I mean- uh... I just needed your, ano... your... 'wag na nga. Nevermind."

Umiling nalang lamang siya. 'Di ko alam kung iyon ba sagot niya sa tanong ko o umiiling siya dahil sa pambihirang tanong na isinabi ko bigla bigla. He incoherently muttered something. Napabaling ako sa kaniya para ipaulit sa kaniya iyong sinabi niya pero it looked like what he said wasn't meant for me.

Kapit BitawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon