Chapter 05

111 7 0
                                    

May narinig akong click.

Nu'ng lumingon ako, nakita ko si Julian, may hawak na camera, lumingon naman sa ibang gilid para kumuha ng mga litrato. As far as I know, kabilang na ata siya sa photography club. Umiling ako, hindi naman ako yung pinipicturan.

Narito ako ngayon sa harap ng auditorium kung sa'n binibigay ng principle ang closing remarks bilang pagtatapos ng Christmas Party namin ngayon. Nasa harap ako dahil ako yung inutusang maging emcee ng adviser ko.

The Simbang Gabi that happened today was the same kind of awkward that happened yesterday. Pilit parin ni mama na magkatabi kami ni Julian, at sobrang hiyang hiya na ako sa kaniya dahil lagi pinagpapawisan kamay ko kapag magkahawak na kami tuwing Ama Namin.

After the mass ended, his father offered that Julian and I ride to school together ta's sasabay nalang siya kanila mama pauwi. 'Di naman na daw namin kailangan magpalit dahil civilian ang dress code ngayong araw. 'Di naman ako makatanggi kasi matalim ang tingin sa akin nila mama't papa.

So ayun, I went to school wearing a light dress samantala si Julian naman ay nakasuot ng puting polo na parang mayor.

The car ride was silent.

Nakaupo ako sa isang gilid ng likod na bahagi, nakatanaw lang sa labas, habang si Julian naman ay nandoon sa isang gilid, nakatingin lang sa harapan. Sobrang init din sa pakiramdam dahil ata hindi nilakasan ng driver ang aircon, nahihiya naman akong pataasin ang temperature dahil hindi ko naman iyon kotse.

But at one point I spoke.

'Di ko na kasi kaya yung katahimikang naghahari sa kotse at sobrang traffic din papuntang school kaya nagsalita na rin ako.

"Mahilig ka magtake ng pictures?"

Pakiramdam kong mas uminit sa kotse noong nagsalita ako. My leg started bouncing up and down pero pilit ko iyong pinatigil. If my mom was here, siguradong kumurutin niya ako sa beywang dahil sa gawi ko. I only spoke because I was curious pf why he brought a camera.

Napatingin naman siya sakin, ramdam ko ang gulat niya sa pagsalita ko. Maging ako rin ay akalang dadaan lang ang car ride na ito ng tahimik at mapayapa. Dumaan ng mabilis ang gulat sa mukha niya at napalitaan ito ng pagkaseryoso.

Ano nanaman problema nito?

"Oo." tipid niyang sagot.

"'Yun ba pangarap mo paglaki mo? Maging professional photographer?"

"Hindi."

Wala na akong masagot. Ang iikli kasi ng mga tinutugon niya, kaya ano isasagot ko diyan? Pinili ko nalang manahimik at ibalik ang tingin sa bintana pagkatapos tumango. Gusto ko sanang sabihin kay kuya driver na i-on yung radyo ngunit nahihiya ako.

After a few more seconds, narinig kong napabuntong hininga siya. "I mean... oo, pangarap ko siya. Pero pangarap sa akin nila mama at papa, iba."

Napabaling ako sa kaniya. Nakatingin na rin siya sa akin at siguro medyo nasobrahan siya kaya umiwas din siya kaagad. "Scenery or self portraits?"

"Huh?"

"Ano specialty mo? Or kaya ano mas gusto mo? Scenery, tulad ng mga kalikasan, gano'n o self portraits ng mga tao?"

Kapit BitawWhere stories live. Discover now