Chapter 26

50 4 3
                                    

Question: Ano ang pinaka-memorable date na na-experience ko?

Answer: Sa dinami-dami kong subok sa relasyon simula noong highschool, ito ang paborito ko.

Question: Ano ba iyong itinutukoy kong 'ito'?

Answer: Intramuros.

"Simba tayo, Ju." yaya sa akin ni Julian noong umaga. Ilang araw na din kami magkasama sa condo ko mula pa sa Palawan. Noong una, niyaya ko lang siya matulog sa 2nd bedroom for one night dahil nakakapagod din ang biyahe. Pero since wala naman akong plano umuwi (wala din naman sila mama at papa doon dahil pumuntang ibang bansa) at wala rin siyang planong umuwi, we thought of spending this Christmas break together.

Sleeping in seperate bedrooms, of course.

I wouldn't say that I was a devout religious Christian like my mother and father (who lived their lives following the rules stated in the Bible). But I believed and worshipped God. I go to church any time I was free. Minsan sa PGH chapel pa nga ako pumupunta 'e kapag binibisita ko si Kuya. Ayun lang, may morals at principles ako sa buhay. I believe that it is not enough to be religious and to love God and God alone. We all need to be morally upright and show compassion to other people. We all have flaws after all. Lahat ng tao ay may pinagdadaanan sa buhay nila. We only see 1/4 of a person's life.

Julian likes to go to church. Kita ko na iyon dati pa lamang. Noong mga taon na magkasama ang aming pamilya sa simbang gabi, kitang kita ko ang pagdasal niya ng taimtim. How he looked at the altar and prayed.

It was December 16 at bigla nalang pumasok sa isip ni Julian na kumpletuhin namin ang Simbang Gabi. Gusto daw niyang subukan kung matutupad talaga ang isang hiling niya once na makumpleto niya ang lahat ng araw.

"Bakit? Hindi mo pa ba natrtry?"

"Natry."

"Oh ayun naman pala ah. Natupad?"

He shook his head. "Hindi pa."

Kaya narito kami ngayon sa San Agustin Church inside the walled city. Umagang umaga, may hamog pa sa labas. Naka-manipis ako na sweater dahil malamig ang simoy ng hangin. Maraming tao ang umattend ng misa. Hindi pa sumisikat ang araw.

The church lights lit as it brightened up the whole street. Umupo kami ni Julian sa isang hilera sa gitna. As the mass started, taimtim kaming nakinig sa mga sermon ng pari. Pagdating ng Ama Namin, tila kami na lamang ang tao na naroon kasama ang Diyos.

Memories came rushing back. The choir sang like angels and everyone, including Julian, seemed deep in thought. Nakapikit ang mga mata ng sambayanan. Samantala ako? Kinausap ko ang Diyos.

Lord God, ito na ba?

Ito na ba ang sagot sa mga pangarap na iniisip ko dati rati noong bata pa ako?

Marilag. Maging doktora, makabawi sa akong mga magulang, makatulong sa iba... makahanap ng makakasama habang buhay.

After mass, we decided to walk around for a bit. Sobrang fascinated pa naman ako sa history ng Pilipinas. My favorite book being Noli Me Tangere can attest to that. Kaya naman manghang-mangha ako sa mga tanawin. I've read a lot of books and watched a lot of movies about this place. May aura siya 'e. It's like Las Casas all over again.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now