Chapter 20

67 5 1
                                    

"No, no, no, no, no, no!" Tumakbo ako papunta sa campus. When I looked at the time, it was already minutes late. Sobrang strict pa naman ng prof namin sa unang sub! Halos hindi na papasukin yung mga latecomers.

Mabilis ang pintig ng puso ko habang umaakyat sa hagdanan. "No, no, no, no..." I said as I saw another clock in the hallway. I can't believe I woke up late sa first day ko ng panibagong sem! Buwiset kasi, nagpuyat ako kagabi kakanood ng Grey's Anatomy. Pa'no ba naman, may namatay na gustong gusto ko na character at halos nakahilata lang ako buong araw kakaiyak. Na-attach ako sa kaniya 'e.

When I reached my classroom, nakita ko sa bintana na nagtuturo na si Prof. Puro mga bagong mukha ang nakikita ko na nakaupo. Sayang 'di ko naging kaklase ulit sila Francis.

I leaned my forehead on the door and bumped it multiple times. Ayoko naman mapahiya. Pero ayoko din bumagsak.

Just as I was about to turn the knob, biglang naunahan ako ng isang tao at agad siyang pumasok doon nang walang pag-alinlangan. My eyes widened when I noticed na si Julian iyon. Tumingin ako sa likod, sa pinanggalingan niya at sa kaniya. Mukhang late din siya.

Buti pa siya makapal ang mukha.

"Sir, sorry late..." he said, adjusting the strap of his backpack on his shoulder. Agad din siyang sinermonan ni Prof Tan. About not being punctual and responsible. "Minus points ka na sa overall grade mo. I stick to my first impressions well. Name?"

"Angeles po."

As Sir was scribbling on his notebook, agad na hinagip ni Julian ang mga mata ko.

Ako ba?

I pointed to myself questioning kung ako ba ang kinakausap niya. Tumingin ako sa likod pero mukhang wala namang nandoon. Wala naman siyang ibang sinabi. He just looked at an empty chair sa pinakadulong hilera at ibinalik ang tingin sa akin.

Oh.

I quickly got the message and quietly closed the door. Umupo ako sa upuan at masama akong tiningnan ng seatmate ko. I smiled awkwardly and saw that Sir was done noting important stuff. He turned to his presentation and let Julian sit down.

When he finally sat down, at the other portion of the room, he looked at me. I gave him a half lipped smile. Grateful ako pero ewan ko pa rin kung gusto ko ulit siyang kaibiganin kung puro panghihinayang lang ang dulot niya sa puso ko.

"Tara, volleyball?"

"Habang nakapalda kami?" mataray na tanong ni Angela kay Francis. Kada araw nalang siya nagyayaya na magvolleyball kami. Parang nalilimutan niyang naka-palda kami at puting puti ang uniporme namin. Hindi talaga mawawala sa daloy ng dugo niya ang pagiging balibolista niya.

I remember how he dominated the court noong UAAP days nila ni Maria.

Kaya nga sobrang sikat na nilang dalawa noong college days namin 'e. People would flock towards them whenever kasama namin sila sa mall o kaya sa coffee shop. Star players of the men and women's green archer's team. La Salle kasi undergrad school din ni Francis. And yes... sobrang chaotic daw (sabi ng ibang kaibigan namin doon) kapag pinagsama silang tatlo nila Ysabelle.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now