Chapter 04

126 5 0
                                    

Weeks passed, it was now December.

My family, being a religious one, had this tradition na lagi kaming magaattend ng Simbang Gabi kada December 16. Ayun nga lang, hindi kami magisa ngayong taon na ito.

"Liana, bilisan mo, may naghihintay sa baba." katok ni mama sa pinto.

I let my hair flow sa likod ko pagkatapos kong tumugon kay mama na pababa na ako. Kating kati na talaga akong gupitin ito. Not only na sobrang hassle na iayos araw araw, sobrang init pa sa pakiramdam.

I sighed as I let go of my hair. My eyes drifted to what I'm wearing. Dress nanaman. Mama said that we must always wear our best clothes for attending mass so I didn't complain.

"Ma?" I said as I went down the stairs, the floorboards creaked as I stepped on it. May naririnig akong naguusap at nagtatawanan sa baba, it was still 5 AM, sino naman ang pupunta dito?

Then I saw him.

"Anak!" natutuwang sabi ni papa. Nakikita ko lang ang ganitong ugali niya kapag may ibang tao, lalo na kapag Angeles ang kasama namin. Sinundo niya ako mula sa hagdanan, tila princesa na may kailangang sundo pagkadating.

Kapitan Angeles and his two sons were there, sitting on the sofa. Naka polo shirt si Lucas Angeles at si Julian Angeles at parehong naka maong pants. Nakatingin lamang si Lucas sa kaniyang cellphone, naglalaro ata ng mga laro habang si Julian naman ay mukhang bored na bored.

Tumayo na rin sila Mama at Kapitan Angeles. "Tayo'y magsimba na."

The ride to the church was brief. Maraming pumapasok na dahil naririnig na ang kampana ng simbahan. The sun was not yet showing, malamig ang simoy ng hangin.

Bumaba na rin ang pamilyang Angeles sa kanilang sasakyan. I didn't get why they had to go to our house if they'll use another car din pala. Agad na nagsama sila papa at Kapitan kung kaya't napilit kaming magsama sama.

Katabi ko sana si mama ngunit pakiramdam kong sinadya niyang umatras para magkatabi kami ni Julian. Hindi ako gumagalaw para hindi ko siya matamaan. Ang awkward kasi.

The mass hasn't started yet. People kept on coming from all sides of the church. Ang kulay ginto na altar at mga dekorasyon ay kumikinang dahil sa ilaw na galing sa labas. Senyales na papa-taas na ang araw.

Siguro 'di na ako makakaattend sa meeting ngayon ng student council. Maiintindihan naman siguro nila 'yon dahil karamihan din naman ng estudyante ay nag-eearly vacation na sapagkat dalawang araw nalang ang natitira bago mag Christmas Break.

My thought were interrupted as people around me began standing up. Biglang tumunog ang organ sa gilid senyales na papasok na ang pari. Kalagitnaan ng kanta, may dumating pa na pamilya sa loob ng simbahan. Dahil punong puno na at wala nang ibang upuan, umupo sila sa tabi ni mama.

Sumikip lalo ang hilera.

Magkadikit na ang braso't balikat namin ni Julian.

Bigla akong nainitan.

Nasaan ba yung electric fan? I looked around and saw that the small electric fan that was stuck to the wall was pointed at me naman. Baka dahil sa kapal ng dress ko.

Kapit BitawOù les histoires vivent. Découvrez maintenant