Chapter 34

41 5 0
                                    

Juliana Lei De Los Santos. 26 years old. Aquarius. 4th year med student. Favorite band, Eraserheads. Pero puwede din Munimuni. Born and raised in Cavite. Parents: Rodulfo and Mirna De Los Santos. Brother: Jose Lorenzo De Los Santos. Currently living in Boston, Massachusetts. Wants to specialize in Neurosurgery. Has an above average life.

Ano pa ba?

Ah, oo nga pala.

Is living with Julian Crisostomo Angeles in a small studio apartment. And...

Napangiti ako.

...Graduating na ako.

I smiled as I was doing an essay. Required daw kasi 'yon sa school. About your journey. Your experiences and your plans. About myself in general. Extra credits na rin. I typed on my laptop. Dala ko ito mula pa sa Pinas at mukhang hindi pa naman siya susuko sa akin kahit halos tatlong taon na kami naririto.

One step at a time... I typed.

Ito na talaga 'e. Finally... makakagraduate na rin.

Pero hindi pa dito ang tapos.

May PLE pa. Next na 'yun. Makakamit ko na rin ang pangarap ko. Kaunting hakbang nalang... Kaunting tiis nalang, magiging licensed doctor na ako.

"Hi." Julian peeked from the wall. Wala namang pinto kaya 'di ko alam kung bakit naaano pa siya pumasok. Gano'n yan 'e. Ayaw ako istorbohin kapag alam niyang may ginagawa akong importante para sa school. "What do you want to eat?"

Binaba ko salamin ko. I stretched my arms and body dahil kanina pa ako nakaupo doon. "Luluto ka?" I asked.

"If you want..."

"Sige, pasta!" mabilis kong sabi. Masarap magluto si Julian ng pasta! O kaya kahit ano, pero pasta talaga specialty! Medyo tumaas taas naman din na nga iyong role niya sa trabaho niya kaya hindi na laging kamote ulam namin. Okay lang naman din... I was going to work na din naman starting next year siguro.

Lumapit siya sa akin. Ngumiti si Julian at inilahad ang kamay niya para mahila niya ako patayo. I laughed.

Music was playing around the house. Light was going through the windows as the sun set.

"Tulungan kita magluto." I said.

"Make the juice."

"Okay!"

"Kain na."

"Sabay na tayo."

"Kumain-"

"Gusto kita kasabay."

"Okay."

"Okay."

Nakatanaw ako sa lawa. I wrapped my jacket around tighter. Death anniversary ni lola. Days before my graduation. Nakapikit ang mata ko. I could sense na mayroong umupo sa tabi ko. Si Julian. 'Di ko muna siya kinibo at hindi muna na rin siya nagsalita.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now