Chapter 18

67 6 2
                                    

This month passed by quickly.

At first, I thought that this was going to be a family outing pero noong tumagal ng tumagal, it became a time for me and Julian to get to know each other. Halos hindi nga nagpaparamdam sila mama't papa 'e! They were on their own world. Pati si Lucas, akala kong sasama siya sa amin pero mukhang dikit na dikit siya sa papa niya.

As for Julian, he finally opened up and we told things about each other. We progressed a lot and I could finally say that we've became close. Friends? Maybe.

We were nearing the end. Of this trip, I mean. A week left of this roller-coaster ride.

"Punta naman tayo doon sa Hotel De Oriente! Maganda daw doon, exact replica daw iyon ng dating Hotel de Oriente. Historical, sabi nila. G ka? Mamayang hapon?" sunod sunod kong sabi. Walang wala na ang awkwardness sa aming dalawa.

"Whatever you want." he said while flipping through the sport's magazine he was reading. May suot pa siyang earphones. Hindi niya ata ako narinig ng maayos. Naglakad ako sa kama niya kung saan nakahiga siya sa kabilang gilid ng kuwarto. Umupo ako sa tabi niya at inusisa pa gamit ang pag alog ng balikat niya. "Julian. Julian. Nakikinig kaba?"

Naramdaman niya kaagad na tumabi ako sa kaniya. Tinanggal niya ang earphones niya at tumingin sa aking mga mata. "Huh? Oo. Narinig ko, bakit?"

"Wala. Dalhin mo ulit camera mo 'a. Ta's picturan mo then send it to me." ano ba itong sinasabi ko? 'E laging dala nito ang pinakamamahal niyang kamera. Hindi ata binibitawan. Minsan nga nahuhuli kong pinipicturan ako. 'Di naman pinapakita! One na pinakita halos kulitin ko siya na isend sa akin dahil ang gaganda ng kuha!

"Kailan ko ba iyon 'di dala?" he asked me, eyes still on the magazine.

May point. "Okay, punta tayo doon mga 2, okay?"

"Okay." tugon niya.




"Saan kayo pupunta?" tanong ni mama. May malaki siyang ngiti sa labi niya. Si papa, naroon sa lamesa. Nakita ko din siyang sumulyap sa aming dalawa ni Julian pagkalabas namin sa kuwarto namin ng sabay, magkatabi. He seemed pleased. His eyes saying, good job, Liana. Ngumiwi ako.

I didn't become close to Julian just for the sake of making my parent's proud.

"Sa Hotel De Oriente po." magalang kong sabi. "Babalik naman po kami bago mag 6, bago po mag hapunan."

"Naku, 'di na iyan importante sa akin, anak. Hindi naman ako mahigpit pagdating sa ganiyan." aniya, smiling at both of us. Pero... bakit... pagdating sa mga gala ko kasama mga kaibigan ko, kailangan 5 palang uuwi na?

May favoritism.

"Mag-ingat kayo, hijo, Liana."

Sumakay kami ni Julian ng kalesa papuntang Hotel De Oriente, ang kutsero ay isang matanda na mayroong suot na isang makulay na sumbrero. 'Di ko inexpect na bigla niya kaming kakausapin. Siksikan kami ni Julian sa likod kaya magkalapit kami. That didn't bother us one bit until manong spoke. "Date?"

Naubo ako ng isang beses. "P-po?"

"Kay pogi't magandang mag-nobyo naman nitong dalawa." tumawa pa siya. I could feel my cheeks getting red, pati si Julian nararamdaman kong napatigil ng bigla bigla sa tabi ko. Rinig na rinig namin tawa ni manong.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now