Prologue

288 8 0
                                    

Mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang tinatanaw ang kalsadang lubos na nababasa.

Niyakap ko iyon ng mahigpit malapit sa dibdib ko at tumingin sa itaas kung saan dumadaloy ang mga tubig mula sa bubong na gawa sa yero. I slightly reached out with one hand, para makita kung gaano kalakas ang ulan.

Wala akong payong.

Bahala na.

As I ran along the streets of UP Med, umaagos ang tubig galing sa ulap sa aking ulo hanggang katawan. Ramdam ko ang bigat ng bawat patak ng ulan. The road were slippery. Pilit kong niyayakap ang bag ko para walang mabasa na papeles doon. Nababa na ang uniporme ko. Pati na rin ang buhok ko.

Nanatili ang tingin ko sa paa kong lumulusong sa baha. Yakap yakap pa rin ang mga gamit ko. Wala na akong pakialam kung mabasa ako.

Akala ko nakarating na ako sa paradahan ng jeep dahil bigla bigla nalang tumigil ang malakas na pagbuhos ng ulan sa katawan ko.

Pero hindi.

May payong.

Dahan dahan kong iniakyat ang paningin ko sa taong nasa harapan ko. Dahan dahan ring humina ang ulan sa paligid ko.

I looked up and saw the man holding the umbrella.

Our eyes met.

We stood there as people continued to pass by.

'Di ako maka-iwas ng tingin.

'Di ako makagalaw sa kinaroroonan ko.

"Magkakasakit ka, Juliana." he said.

Unti unting nagpapakita ang araw. Unti unting lumilisan ang ulap. People started to close their umbrellas.

'Di ako makasalita.

Tumingin lang ako sa kaniya.

Akala ko tapos na ang kuwento naming dalawa many years ago. Akala ko, iyon na 'yon. When he left, I firmly believed that that was the end of our story.

Akala ko lang pala iyon.

Dahil dito, ngayon lang pala nagsimula ang lahat.

This was the start of everything.

Kapit BitawWhere stories live. Discover now